Lalaking nakita sa CCTV ang pangkikidnap, natagpuan ng asawang wala ng buhay

Lalaking nakita sa CCTV ang pangkikidnap, natagpuan ng asawang wala ng buhay

Lalaking nakita sa CCTV ang pangkikidnap, natagpuan ng asawang wala ng buhay
- Viral nitong nagdaang araw lamang ang isang CCTV footage sa isang gasolinahan

- Sa nasabing video ay mapapanood ang pagkaka kidnap sa isang naglalakad na lalaki

- Dalawang sasakyan at mahigit sa sampung kalalakihan ang siyang dumakip sa naturang lalaki

Viral nitong nagdaang araw lamang ang isang kuha mula sa cctv ng isang gasolinahan kung saan mapapanood ang pangki kidnap ng ilang kalalakihan sa isang lalaking naglalakad lamang.

Madirinig pa ang malakas na pagsigaw ng lalaki nang 'Tulong' habang dinadakip siya.

Ngunit sa dami ng mga ito kung saan tila may dala pang mga baril ay wala ng nagtaka pang lumapit sa kanila sa takot na marahil ay madamay pa sila.

Labis labis ang hinagpis ng asawa ng lalaking na kidnap matapos na malaman ang sinapit ng kaniyang asawa.

"LORD iligtas mo po asawa ko, Ikaw na bahala sa knya," caption ni Jane Cabello, asawa ng lalaking na kidnap, sa ibinahagi niyang CCTV footage.

Wala pang mahigit sa isang araw matapos mag viral ang video ay nalaman na ng kaanak nina Cabello ang malagim na sinapit ng kaniyang asawa.

Natagpuan na lamang sa isang damuhan ang wala ng buhay na katawan ng lalaking na kidnap.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang motibo at dahilan kung bakit kinidnap at saka pinatay ng ilang kalalakihan ang asawa ni Jane na si Eugene.