Fact check: Darna, nagre-shoot umano para sa pasabog na eksena noong Biyernes?

Fact check: Darna, nagre-shoot umano para sa pasabog na eksena noong Biyernes?

Fact check: Darna, nagre-shoot umano para sa pasabog na eksena noong Biyernes?

Isang showbiz article mula sa website ng isang tabloid newspaper ang lumabas nitong Linggo tungkol sa umano’y ginawang re-shoots ng produksiyon ng ‘Darna’ TV series para sa ilang eksena sa pinag-usapang episode nito noong Biyernes.

Effort umano ang pagpapaganda at pagpapaingay sa social media na ginawa ng ABS-CBN para sa Darna, ayon sa nagsulat ng nasabing article ito’y matapos buhatin at papurihan ang katapat na serye ng Darna sa kabilang istasyon.

“‘Di ba bago nila pinalipad si Darna ay inilabas muna nila ang exclusive interview ni Ogie Diaz kay Jane na inilahad ang mga kahirapang pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya?,” dagdag pa nito at sinabing bongga umano ang timing ng promo.

“Pero totoo kayang nag-reshoot ang Darna nung Huwebes ng limang sequences na ipinalabas nila nung Biyernes?

“Hindi ko alam kung ano ang mga inayos at idinagdag na eksena, pero reliable ang nagtsika sa aming nagkumahog sa pag-reshoot itong fantaserye ni Jane de Leon para sa pasabog na episode niya nung Biyernes,” pag-iintriga pa nito.

Sa isang article naman na inilabas ng Philippine Entertainment Portal o PEP, nagmensahe umano si Noel Ferrer (na talent manager rin ni Iza calzado na gumanap bilang Unang Darna) sa pamunuan ng JRB Productions para linawin ang nasabing tsismis.

“Siyempre, para accurate ang sourcing at hindi lang history is like tsismis at factual talaga ang ibinibigay sa inyo ng PEP Troika, tinext namin agad ang business unit head ng JRB Creative Production na si Madame Julie Ann R. Benitez.

“Heto ang sabi niya sa PEP Troika, “Hahaha!!! Totoo na nag-shoot kami ng additional scenes! Pero scenes lang ni Lolo Rolando [Levi Ignacio]. Kasi, minabuti naming i-clear kung saan galing ang mga villains.

“Ang mga kinunan namin ay mga absent scenes na lang dapat ng pagre-research ni Lolo Rolando. Kaloka di ba??? Busisi talaga. At hindi yun for airing. For next week pa. At least nakaraos kami ng pilot week nang maayos!”

Ibinahagi rin ni Noel na namimiss na ng prod ang batikang aktres na si Iza. “Napakaganda at napakagaling. Considerate and appreciative pa sa team,” wika pa umano ng head ng JRB.

“Naku, gusto ko nga sya painterview eh kasi grabe ang feedback sa kanya. Pero ayaw namin istorbohin. Enjoy muna sya,” ani ni Noel.

Kasalukuyan ngayong nagbabakasyon si Iza kasama ang asawang si Ben Wintle at nagpapahinga na rin dahil sa kanyang unang pagbubuntis.

Sinabi rin ni Noel na mapapanood pa rin naman ang aktres sa mga susunod na episode ng Darna ng pasulpot-sulpot.

Bukod pa sa mensaheng ipinadala ng head ng JRB, nasa Thailand nitong nagdaang linggo ang lead actress ng Darna na si Jane De Leon kasama ang kanyang pamilya para magbakasyon. Kaya imposible ang intrigang pagkukumahog na re-shoot.