Janno, gustong ipasapelikula ang buhay kay Daryl Yap ngunit may isang kondisyon

Janno, gustong ipasapelikula ang buhay kay Daryl Yap ngunit may isang kondisyon

Janno, gustong ipasapelikula ang buhay kay Daryl Yap ngunit may isang kondisyon


 - May hiling ang aktor na si Janno Gibbs sa kontrobersyal na direktor na si Daryl Yap at may dagdag na 'request' din

- Nagbiro itong sana'y maisapelikula ang buhay niya at si Yap ang magiging direktor nito ngunit may malaking pagbabagong gagawin

- Kilala si Yap sa paggawa ng mga pelikulang kontrobersyal tulad ng kanyang 'Tililing' at ngayo'y 'Maid in MalacaƱang'

May hiling ang aktor na si Janno Gibbs kay Daryl Yap, ang direktor sa likod ng 'Tililing', upang gawing pelikula ang kanyang buhay.

Nagtungo si Janno sa kanyang Instagram upang manawagan kay Yap at may dagdag din itong 'request' kung matutuloy nga ang nasabing pelikula.

May ire-'revise' o may malaking pagbabagong gagawin sa pelikula base sa hiling ni Janno. Ito ay sana'y maging matangkad at matangos ang ilong niya sa pelikula.

Matatandaang malaking ingay ang ginawa ni Daryl Yap online dahil sa 'Maid in MalacaƱang' na binatikos ng netizens dahil sa 'di umano'y historical revisionism patungkol sa pamilya Marcos.