Albie Casiño, nag react sa viral meme kung sa kahawig umano niya ang isang pusa

Albie Casiño, nag react sa viral meme kung sa kahawig umano niya ang isang pusa

Albie Casiño, nag react sa viral meme kung sa kahawig umano niya ang isang pusa
- Viral ang kamakailang meme na kumalat patungkol sa isang pusa at kay Albie

- Kamukha kasi ng naturang pusa ang aktor na si Albie Casiño

- Nagbahagi naman ng reaksyon niya si Albie rito na tila sinakyan din naman niya

Viral at naging usap-usapan ang kumalat na meme ng isang pusa kung saan sinasabing kahawig nito ang aktor na si Albie Casiño.

Natawa nga ang marami dahil talaga umanong kahawig ni Albie ang naturang pusa, ngunit imbes na kaasaran ay tila sinakyan naman ito ni Albie.

Ang naturang larawan ng pusa kasi ay kinuha at saka ginawa pa mismong Instagram profile photo niya, saka nagbahagi ng IG story kung saan natatawa siya ng labis.

"This is getting out of hand," caption niya kaakibat ang mga laughing emoji's matapos na ibahagi niya ang isang screenshot kung saan makikitang sa google search ng kaniyang pangalan ay agad na lumalabas ang mga litrato ng naturang pusa.