Beks Battalion, nagulat sa ugaling ipinakita sa kanila ni Francine Diaz

Beks Battalion, nagulat sa ugaling ipinakita sa kanila ni Francine Diaz

Beks Battalion, nagulat sa ugaling ipinakita sa kanila ni Francine Diaz


 - Inaming nagulat ang Beks Battalion sa ipinakitang 'kamalditahan' ng Kapamilya young star na si Francine Diaz para sa vlog nito

- Pare-parehas namang nagtataka ang mga ito sa ugali ni Francine dahil akala nila ay humble at may bubbly personality ang aktres

- Unang nabiktima sa prank si Chad Kinis ngunit kalaunan ay inamin din ni Francine na prank ito dahil hindi na niya kaya ang pagmamaldita 

Nabiktima ng Kapamilya star na si Francine Diaz ang members ng grupong Beks Battalion para sa "attitude prank" nito sa kanyang YouTube Channel kahapon, August 6.

Kilala bilang mabait at palabirong tao si Chin kaya naman hindi nila inaasahan na 'may attitude' pala ang artista lalo na't ito ang unang beses na magkikita ang apat.

Kasabwat din ni Francine ang aktres na si Giselle Sanchez at vlogger din na si Small Laude upang pakitaan ng 'attitude' sina Chad Kinis, MC Muah, at Lassy Marquez.

Una nang pinrank ni Francine si Chad, na nakaupo lang habang pinakikinggan kung paano magmaldita si Francine sa mga staffs nito. Kinausap din niya ang aktres ngunit bilang bahagi ng prank, hindi na sumagot si Francine.

Sa dala ng kaba, hindi na napigilan ni Francine na i-reveal nalang kay Chad ang dapat sana'y atittude prank sa kanilang tatlo at itinuloy nalang ang prank kina MC at Lassy.

Viral na ang nasabing YouTube video ni Francine at umabot na ng mahigit 680,000 views isang araw matapos ito inupload ng aktres.

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa successful prank na ito at nag-trending pa sa Twitter ang pagiging ma-attitude ni Francine. Pinaalalahanan rin niya ang madlang people na dapat lagi tayong maging 'humble'.