Herlene Budol ibinuking na pinilit lang siyang mag-beauty pageant dahil sa malaking dahilan

Herlene Budol ibinuking na pinilit lang siyang mag-beauty pageant dahil sa malaking dahilan

Herlene Budol ibinuking na pinilit lang siyang mag-beauty pageant dahil sa malaking dahilan


 - Ayaw noong una ni Herlene Budol na sumabak sa mga beauty pageants dahil sa tingin niya ay hindi swak ang kanyang 'personality' sa ganitong labanan

- Ngunit pinilit daw siya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino dahil nakita umano niya ang potential na maging beauty queen si Herlene

- Isa sa kasunduan nina Herlene at Wilbert ay sasabak sa Binibining Pilipinas si Herlene kung bibigyan siya nito ng bahay na matagal na niyang pangarap

Inamin na ni Binibining Pilipinas 2022 1st runner up Herlene Budol ang tunay na dahilan sa pagsali niya sa beauty pageant sa latest vlog ng beauty queen.

Sa loob ng video niya ay ibinuking rin ni Herlene kung sinong nag-udyok sa kanya at kung paano siya napa-oo sa pagsali sa ganitong uri ng contest.

Sa katunayan umano, wala naman siyang balak na sumabak sa Binibining Pilipinas dahil sa tingin niya ay hindi akma ang kanyang 'personality' sa mga pageant at hindi siya 'pa-girl' tulad ng ibang mga kandidata.

“May i-share lang ako sa inyo, anong dahilan kung bakit ako sumali ng Binibining Pilipinas… sasagutin ko na nang totoo,” ang simula niya.

“Yung unang tao na nag-push sa akin, nakakita ng potential bilang beauty queen ay si Sir Wilbert talaga. Sinabi ko nung una na ayoko, kasi ayoko talaga.

“Parang kabaliktaran kasi siya talaga ng buhay ko. Hindi ako sobrang pa-girl, hindi ako demure, hindi ako proper. Basta hindi ako yun," pagbabahagi pa nito.

Ngunit pagkatapos ng ilang beses na offer sa kanya ni Wilbert, napa-oo na siya dahil sa alok nitong bibigyan siya ng bagong bahay kapalit ng pagsali niya sa Binibining Pilipinas. Ito raw kasi talaga ang pinakahihiling ng dalaga.

“Alam niyo, in-offer-an niya ako, ‘Gagawin ko sa ‘yo yung ginawa ko kay Madam Inutz, pumasok siya ng PBB (Pinoy Big Brother), bibilhan ko siya ng bahay. So, sumali ka ng BBP (Binibining Pilipinas) bibilhan kita ng bahay'.

“Sino ba namang tanga ang hindi papayag dun? Praktikal na tayo, hindi naman kami mayaman ng pamilya ko. Kung nakikita niyo naman sa mga vlog namin, wala kaming kisame, mainit yung bahay namin, magulo yung bahay namin," hirit pa ni Herlene.

Maging praktikal nalang para kay Budol dahil isa raw 'yun sa mga pangarap niya dahil hindi naman sila mayaman. Matagal na panahon pa raw ang lilipas upang makabili siya ng bahay.

“Isa yun sa pangarap ko, na magkaroon kami ng bahay. Kahit anong trabaho ko, kahit sampung taon pa ako magtrabaho, makakabili ako ng bahay pero matagal na panahon.

“Iniisip ko yung lolo at lola ko na 84 na, 81, hindi na mahaba yung buhay nila. Gusto kong maranasan nila na tumira sa maayos,” naluluhang dagdag pa niya.