Zeinab pinatamaan nga ba si Skusta sa kaniyang tweet?, "Maglalabas ka na naman ng kanta?"

Zeinab pinatamaan nga ba si Skusta sa kaniyang tweet?, "Maglalabas ka na naman ng kanta?"

Zeinab pinatamaan nga ba si Skusta sa kaniyang tweet?, "Maglalabas ka na naman ng kanta?"
- Usap-usapan ngayon ang tweet ni Zeinab Harake na patama umano niya kay Skusta

- Hindi naman niya pinangalanan ngunit hinuha na ng marami na ang ex partner nga niya ang pinatutungkulan nito

- Sinabi nitong tigilan na ang pang gagamit sa kaniya dahil nakakapagod na

Usap-usapan ngayon ang tila patutsada umano ni Zeinab Harake sa kaniyang ex-partner na rapper na si Skusta Clee sa kaniyang latest tweet.

Sa kaniyang latest tweet kasi ay magkakasunod ang tanong na pinakawalan nito na hindi man niya direktang pinangalanan ay mahihinuhang si Skusta Clee ang pinatutungkulan.

Tweet niya: "Ngayon may anak ka? mangaaway ka ng mga tao? bakit? kasi maglalabas ka na naman ng kanta?

"La na talaga pera? gusto mo na lang gulo para umingay? Tama kana wala ka ng magagamit pagod na lahat sayo!"

Sa isa pang hiwalay na tweet ay ibinahagi pa ni Zeinab ang larawan nila ni Baby Bia kaakibat ang isa pang tila patama kay Skusta Clee, Sabi niya: "Itong anak ko di magiging mommy's girl to kung di ko siya napapasaya araw-araw, masaya na kaming dalawa lang atleast totoo yung pag mamahal namin sa isa't isa."

Bago pa man ang naturang mga tweets ni Zeinab ay may sinagot na isang tweet kasi si Skusta Clee, tweet ng isa sa mga kaibigan ni Zeinab.

Tweet ni Jahan na kaibigan ni Zeinab: "Wag niyo na idamay yung tao sa kahit ano mang post, eh ano kung nag pots ng yellow heart, di na namin problema kung baliw na yan. Kasiyahan at kapayapaan ng mag ina yung pinoprotektahan namin."

Na sinagot naman ni Skusta ng, "Dami mong kabaklaan nanaman ikaw ba tatay? Palibhasa wala kang tunay na anak kaya di mo nararamdaman yung nararamdaman ko. Laki laki mong tao ingay ingay mo."

Dahil nga rito ay hinuha ng marami na ang naturang reply tweet ni Skusta ang pinapatutsadahan ni Zeinab sa kaniya ring tweet.

Read related stories here: