Skusta Clee nagsalita na hingil sa binabatong isyu sa kaniya, "Nagkamali ako, sorry"

Skusta Clee nagsalita na hingil sa binabatong isyu sa kaniya, "Nagkamali ako, sorry"

Skusta Clee nagsalita na hingil sa binabatong isyu sa kaniya, "Nagkamali ako, sorry"
- Nagsalita na sa unang pagkakataon ang rapper na si Skusta Clee hingil sa isyung kinakaharap niya

- Humingi ng tawad si Skusta sa lahat ng kaniyang fans

- Inamin nitong pinagsisisihan na niya ang kaniyang nagawa

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang sikat na rapper na si Skusta Clee patungkol sa iba't-ibang isyung kinakaharap niya ngayon.

Hiwalay na sila ng kaniyang partner na si Zeinab Harake dahil sa isyu ng umano'y panlololo niya rito.

Sa kaniyang video ay inamin niyang nagkamali siya kaya naman humihingi ito ng tawad sa lahat.

"Okay, sa mga na-disappoint, sorry, sorry. My bad, sorry, akin. Nagkamali ako, sorry. Pinagsisihan ko naman 'yon, mukha lang talagang hindi kasi kailangan kong mag-move on na din sa buhay," sabi nito.

"Though pinagsisihan ko 'yung mga naging consequence, pangit din naman talaga 'yung naging resulta. Tinanggap ko 'yung mga siyempre naging kapalit. Hindi talaga maganda at hindi ako nagreklamo kasi alam kong ayun naman talaga yung dapat mangyari sakin," dagdag nito.

Ipinaliwanag niya na may personal na dahilan ito kung bakit niya nagawa ang mga bagay na iyon.

"Pero may personal akong dahilan kung bakit ko nagawa 'yun. Kaya bilang respeto na lang din sa nanay ng anak ko, hindi ko na kailangan pang i-explain. Kumbaga respeto na lang din."

"Hindi niya talaga deserve na ganunin at ako pinagsisihan ko naman yun. Pero may personal akong dahilan kung bakit ko ginawa 'yun," sabi nito.

Sa kabila umano ng pagiging hindi niya mabuting partner ay naniniwala siyang kaya niyang maging isang mabuting ama para sa kanilang anak.

Panoorin ang kabuuan dito: