McCoy reaffirms love for Elisse in a heartfelt message on their anniversary

McCoy reaffirms love for Elisse in a heartfelt message on their anniversary

McCoy reaffirms love for Elisse in a heartfelt message on their anniversary
Nagpost ng mensahe si McCoy De Leon sa kanyang Instagram kasama ang ilang masasayang mga larawan nila ni Elisse Joson upang ipagdiwang ang panibagong taon sa kanilang pagmamahalan.

Ibinunyag ni McCoy na hindi naging madali para sa kanila ni Elisse ang pagbabalikan nila noon.

“Nung sinubukan natin ulit noon alam natin na hindi magiging madali. Alam natin na marami tayong pagdadaanan ulit pero ito tayo ngayon magkasama pa rin. Tuloy tuloy pa rin ang pag diskubre natin sa isat isa at sa mundo. Kinakaya maabot ang pangarap ng magkasama,” aniya.

Noong nakaraang taon ay inamin ni McCoy de Leon sa isang heart-to-heart talk sa vlog ni Elisse na sinukuan niya ang relasyon nila noon ng aktres matapos siyang magsawa sa kanilang relasyon sa kabila ng paniniwalang nararapat itong ipaglaban.

Kahit na tumanggi silang sabihin ang mga detalye tungkol sa kanilang breakup, mauunawaan naman sa naging vlog ni Elisse na si McCoy ang lumayo sa kanilang relasyon. At ito ang dahilan kung bakit inamin ni Elisse ang hinanakit niya sa aktor.

“Kasi nga nag-expect ako na hindi ka bibitaw or hindi ka maggi-give up or magpapaubaya. ‘Yun, siguro ‘yun. And then, dinaan ko na lang nga sa galit ‘yung feeling ko na betrayal. Parang ganun ‘yung feeling ko that time, parang I got left behind,” ayon kay Elisse.

Noong nakaraang taon rin ay kinumpirma ng dalawa ang kanilang pagbabalikan. Makalipas ang ilang buwan naman nang ginulat nila ang kanilang tagasuporta sa pagsasapubliko nila ng kanilang anak na si Felize McKenzie.

Sa pagpapatuloy ng mensahe ni McCoy kay Elisse sa kanilang anibersaryo, siniguro nitong gagawin ang lahat para maibigay ang kasiyahan ng kanyang minamahal.

“Hindi man malaprinsesang buhay ang naibibigay ko sayo, gagawa’t gagawa ako ng paraan sa abot ng aking makakaya maibigay ko ang kasiyahan mo dahil mahal kita.”

“Happy Anniversary sa atin Elisse ko palagi kitang nasa dasal ko promise. I love you ☺️.”