Pokwang ibinunyag na matagal na silang hiwalay ng asawa, "maayos at mapayapa"

Pokwang ibinunyag na matagal na silang hiwalay ng asawa, "maayos at mapayapa"

Pokwang ibinunyag na matagal na silang hiwalay ng asawa, "maayos at mapayapa"
- Ibinunyag ng kumedyanteng su Pokwang ang paghihiwalay nila ng kaniyang asawa

- Sa kaniyang Instagram account ay ikinuwento nito ang pitong buwan ng hiwalayan nila ni Lee O'Brian

- Isiniwalat naman niyang maayos at mapaya ang naging paghihiwalayan nila

Sa kaniyang Instagram account ay ibinunyag na ni Marieta Subong o mas kilala bilang Pokwang ang usap-usapang hiwalayan nila ng kaniyang asawang si Lee O'Brian.

Inamin nitong mahigit sa pitong buwan na rin ang naging hiwalayan nila na aniya ay maayos at naging mapayapa rin naman.

“Yes its been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia.

“Natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng panginoon,” pagsisimula niya.

Sinundan naman niya ito ng pasasalamat sa kaniyang yumaong ina na si Gloria na siya umanong inspirasyon at naging gabay niya upang patuloy na lumaban sa anumang hamon ng buhay.

“Ikaw aking nanay Gloria ang aking inspirasyon sa pagiging matatag at matibay na nanay. salamat sa iyo at alam kong lagi kang nakagabay sa amin ng mga apo mo kaya ni minsan at kailan man di ka mawawaglit saking mga dasal,” pagsasalaysay nito.

Mensahe pa niya sa lahat ng single parents na katulad niya, “Sa mga single parent na kagaya ko hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya.

“Hindi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay #Wagmapagodparasamgaanak,” buong pahayag ni Pokwang.

Hindi naman na ipinaliwanag pa nito ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan, matatandaang nagsimula ang kanilang pagmamahalan noong taong 2015 dahil sa isang pelikulang pinagsamahan nila.