Edward balak na bang iwanan ang showbiz?, Naghahanda na para maging isang pastor?

Edward balak na bang iwanan ang showbiz?, Naghahanda na para maging isang pastor?

Edward balak na bang iwanan ang showbiz?, Naghahanda na para maging isang pastor?
- Ibinahagi ni Edward Barbers ang animo'y 'calling' niya bilang Christian

- Isiniwalat din nito ang pagpa plano niya na maging isang pastor

- Dahilan na nga ba ito upang tuluyan na niyang iwan ang showbiz?

Sa panayam sa kaniya ng Star Magic Inside News ay naibahagi ni Edward Barbers ang kagustuhan niyang maging isang pastor.

Natagpuan niya umano ang kaniyang 'calling' bilang isang Christian sa labas ng showbiz world nang magsilbi siya sa kanilang church ministry, na ginagawa na niya linggo linggo.

Kapag wala raw siyang ibang ginagawa sa showbiz ay inilalaan na niya ang kaniyang buong oras sa kanilang simbahan at dito nga ay napagtanto niya ang tunay na purpose niya sa buhay.

“Nahanap ko yung balance sa buhay ko sa labas ng industry at yung ginagawa ko sa loob ng industry,” pahayag ni Edwar.

“May mga bagay na I’m not willing to sacrifice it or mas importante yun kesa yung job here and there sa loob ng industry," dagdag pa nito.

Ipinaliwanag naman niyang mahal niya at nagpapasalamat siya sa ABS-CBN sa malalaking opportunity na ibinigay sa kaniya, ngunit may kung anong hinahanap daw siya na siyang natagpuan na niya sa linggo linggo niyang pagsisilbi sa kanilang church.

“I love ABS-CBN. I love my family here. But at the end of the day, it is work. And I have other people that I love too outside…I wanna be in a ministry which is not a priest but a pastor. Maybe one day,” ani Edward.

Nilinaw din naman niyang hindi niya agad agad iiwanan ang showbiz career lalo pa't marami la umano siyang nais na tahakin bilang isang artista.