Hindi mukhang pera?, Sarah Geronimo tinanggihan ang multi-million offer ng Kapuso?

Hindi mukhang pera?, Sarah Geronimo tinanggihan ang multi-million offer ng Kapuso?

Hindi mukhang pera?, Sarah Geronimo tinanggihan ang multi-million offer ng Kapuso?
- Viral at usap-usapan ngayon sa social media ang magbabalik ASAP na si Sarah Geronimo

- Usap usapan ang di-umano'y tinanggihan niyang offer ng GMA sa kaniya

- Tumataginting na P800M umano ang offer ng GMA sa kaniya

Viral at usap-usapan ngayon sa social media ang kwento patungkol sa nag-iisang Pop star royalty na si Sarah Geronimo.

Makailang ulit na kasing umugong ang balita ng di-umano'y nalalapit na paglipat ni Sarah Geronimo sa Kapuso Network magmula ng mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Lumitaw nga rin ang isa pang fake news na kasabay umano ng pag alis ni Sarah sa ABS-CBN ay bibitbitin niya ang programang The Voice Kids sa GMA.

Ngunit napabulaanan na ang naturang kwento at kinumpirma na ng aming source na walang katotohanan ang mga haka haka, sa katunayan ay nalalapit na ang pagbabalik nito sa ASAP Natin 'To.

Ngayon naman ay lumabas ang isyu na nagbigay nga raw ng dambuhalang offer ang GMA kay Sarah Geronimo.

Ang sabi ay tumataginting na P800M ang offer ng kapuso sa pop star royalty, na 5-year exclusive contract, na tinanggihan nga nito at sinabing ang loyalty niya ay nasa Kapamilya network talaga.

Tinatayang P2-P3M naman ang Talent fee umano niya sa nalalapit na pagbabalik niya sa ASAP Natin 'To, dahilan upang sabihin ng madla na hindi mukhang pera ang nag-iisang Sarah Geronimo.

Read related here: