Ogie Diaz sa pinagdaraanan ni Kris, "Sana malampasan niya at humaba pa ang buhay.."

Ogie Diaz sa pinagdaraanan ni Kris, "Sana malampasan niya at humaba pa ang buhay.."

Ogie Diaz sa pinagdaraanan ni Kris, "Sana malampasan niya at humaba pa ang buhay.."
- Sa kaniyang latest showbiz vlog ay napag usapan nina Ogie Diaz si Kris Aquino

- Dito ay ibinahagi niya ang kaniyang reaksyon sa latest update ni Kris

- Ipinagtanggol din niya ito laban sa mga bashers na patuloy na bina bash si Kris

Sa kaniyang latest showbiz vlog ay naglabas ng kaniyang saloobin ang showbiz manager at youtubber na si Ogie Diaz hingil sa Queen if all media Kris Aquino.

Basahin ang update kay Kris dito: Kris sa update ng kaniyang kalusugan

Ani ni Ogie na hindi na umano linakahiya pa ni Kris ang kung ano ang itsura niya ngayon, makikita naman ito sa kaniyang update.

"Syempre, nakita naman natin yung itsura ni Kris, hindi niya ikinakahiya kung ano yung itsura niya," sabi ni Ogie.

"Wag na po nating itukso o ilait pa kay Kris, pasalamat kayo hindi nangyari sa inyo yan."dagdag pa nito.

Dito nga ay nanalangin si Ogie na sana'y malagpasan ni Kris ang lahat ng pinagdaraanan niya.

"Sana malampasan niya lahat ng mga treatments, diba? At na humaba pa ang buhay niya" 

Tila sinopla naman niya ang mga bashers na patuloy ang pangungutya sa pinagdaraanan ngayon ni Kris.

"Hindi, kayo yung naghahanap ng atensyon kasi unang-una, binasa niyo so problema niyo yan, diba? Kung di niyo binasa yan, eh di hindi kayo maaapektuhan," sabi nito.