Brenda Mage nagsisi raw sa pagsali sa PBB?, "Sana makalimutan ng haters ko ang nangyari"

Brenda Mage nagsisi raw sa pagsali sa PBB?, "Sana makalimutan ng haters ko ang nangyari"

Brenda Mage nagsisi raw sa pagsali sa PBB?, "Sana makalimutan ng haters ko ang nangyari"
- Tapat na inamin ni Brenda Mage kay Karen Davila ang saloobin niya patungkol sa PBB journey niya

- Natanong siya ng brodkaster kung nagsisisi ba ito sa pagsali sa PBB na mabilis jiyang sinagot

- Hinihiling naman niyang sana'y makalimutan na ng bashers niya ang pangyayari dahil nagbago na umano siya

Sa latest YouTube vlog ng kapamilya brodkaster na si Karen Davila ay nakapanayam nito ang ex PBB housemate na si Brenda Mage.

Dito ay diretsahan niyang tinanong si Brenda Mage kung nagsisisi ba ito sa pagsali sa PBB lalo pa't kabi kabilang bashing ang natanggap niya dahil sa programa, mabilis niya ito sinagot at sinabing "Yes".

“Parang feeling ko sa lahat ng na-achieve ko sa buhay ko ngayon, ang pinaka-achievement ko na akala ko imposibleng mangyari is maging housemate,” panimula niya.

“Since 2010 nag-audition ako [sa PBB] four times na, pang-five ‘yung last year tapos ngayon lang ako nakuha tapos sa celebrity pa ako nalagay.”

Dahil umano sa pangyayari ay may na realized siya patungkol sa pag-abot mo sa iyong pangarap.

"‘Yun ‘yung nagpa-realize sa akin na hindi pala lahat ng pangarap na gusto mong maabot, ‘pag nakuha mo na ay magiging masaya at fulfilled ka. ‘Yun din ‘yung nagpa-realize sa akin na ‘wag mo nang i-push kung hindi talaga para sa ‘yo,” sabi nito.

“‘Nung ibinigay sa akin, nag-focus ako na, ‘Oh my gosh, para sa akin talaga ‘yung PBB. Thank you, Lord [na] ibinigay mo sa akin.’ ‘Yun pala, lesson ‘yon na, ‘Meron ka na e, [may] na-achieve ka na,'” dagdag pa niya.

Sa huli ay wini wish niyang sana'y makalimutan na ng kaniyang bashers ang buong pangyayari lalo la't pinipilit na niyang magbago.

"Ang pangarap ko o wish ko lang talaga kay Lord is sana dumating sa oras na makalimutan ng mga haters ko ‘yung mga nangyari that time."

“Nagbabago naman na ako or iniiwasan ko na kahit papaano," pakli nito.

Read related here:


Watch Karen Davila vlog here: