Kuya Kim Atienza nag react sa pag ere ng It's Showtime sa TV5

Kuya Kim Atienza nag react sa pag ere ng It's Showtime sa TV5

Kuya Kim Atienza nag react sa pag ere ng It's Showtime sa TV5
- Masayang sinalubong ng Showtime Family ang nagdaang sabado dahil sa isang magandang pangayayari

- Napapanood na ang It's Showtime ngayon maging sa TV5

- Hindi naman napigilang mag kumento ni Kuya Kim Atienza hingil dito

Masayang sinalubong ng It's Showtime Family ang nagdaang Sabado dahil sa magandang pangyayari na kanilang sama-samang sinalubong.

Nitong nagdaang Sabado kasi nagsimula na ang isa sa pinakamalaking pasabog ng Showtime sa Madlang Pipol, ang pagsasa ere nila sa TV5.

Isang malaking achievement nga ito para sa noontime show dahil mas lumawak na muli ang audience reach nila, na ngayon ay mas napapanood na sa iba't-ibang lugar ng bansa.

Hindi man ito kasing laki ng Audience reach nila noong may prangkisa pa ang ABS-CBN, ay isang malaking hakbang pa rin ito para maabot sila ng mas nakararaming Filipino.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Vhong Navarro ang kaniyang labis na kasiyahan sa pangyayari, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanang litrato na buong Showtime host family na kinunan habang umeere sila.

"Maraming Salamat Lord!", ani Vhong kaakibat ang praying at heart emoji.

Marami ang nagkumento ng kanilang kasiyahan sa naturang post ni Vhong ngunit kapansin-pansin ang naging kumento ni Kuya Kim Atienza.

"Congrats on the move to tv5manila inaanak," ani Kuya Kim.

Matatandaang isa si Kuya Kim sa mga original host ng Showtime na ngayon ay nasa Kapuso network na.