Juliana tinawag na 'pangit' si Rowena Guanzon, Guanzon pumalag!, Maglalaro gamit si Balmond?

Juliana tinawag na 'pangit' si Rowena Guanzon, Guanzon pumalag!, Maglalaro gamit si Balmond?

Juliana tinawag na 'pangit' si Rowena Guanzon, Guanzon pumalag!, Maglalaro gamit si Balmond?
- Usap-usapan ngayon ang hingil sa mga parinigan ng sikat na personlidad sa social media

- Nauna na rito sina Rowena Guanzon at Annabelle Rama

- Ngayon naman ay nakisali na rin ang kumedyanteng si Juliana Segovia

Usap usapan ngayon ang tila parinigan ng ilang mga sikat na personalidad sa social media.

Nauna na nga rito ang naging parinigan nina Rowena Guanzon at Ruffa Gutierrez kasama na ang kaniyang ina na si Annabelle Rama.

Ngayon naman ay nakisali na rin ang kumedyanteng si Juliana Pariscova Segovia na siyang nagbigay nag post ng tila parinig niya kay Guanzon.

"Alam mo bakit ZEROWENA ka?.. kasi PANGIT KA," post ni Juliana na tila patama laban kay Rowena Guanzon.

Ibinahagi naman ni Rowena Guanzon sa kaniyang facebook page ang post ng isang fanpage na patungkol sa naturang post ni Juliana at sinabing, "Kung yan ang basehan ng mukha ng pagiging maganda, mas ok na ata maging pangit.".

Sa isa pang hiwalay na post ay nagbahagi ng litrato si Rowena ng isa sa mga playable characters na si Balmond sa hit mobile game na 'Mobile Legends' at may caption pa na, "Sabi ng Mga Anak ni Bing Guanzon maglaro daw ako ng Mobile Legends: tapos ito daw gamitin kong character."

Hinuha naman ng netizens na si Juliana ang pinatutungkulan niya sa kaniyang post, "Taray, si Madam Julianna Pariscova Segovia pala hero niyo, Madam Bing. HAHAHAHAHA," hirit ng isang netizen.