Kim Chiu nagbahagi ng video kaugnay sa naganap na Lindol, "Ang lakas ng lindol"

Kim Chiu nagbahagi ng video kaugnay sa naganap na Lindol, "Ang lakas ng lindol"

Kim Chiu nagbahagi ng video kaugnay sa naganap na Lindol, "Ang lakas ng lindol"
-Niyanig ng Magnitude 7.3 na lindol ang probinsya ng Abra ngayong umaga

- Naramdaman din ang pagyanig sa Metro Manila

- Nagbahagi naman ng video si Kim Chiu kaugnay ng naganap na pag lindol

Sa kaniyang twitter account ay ibinahagi ni Kapamilya Star Kim Chiu ang ilang kaganapan sa loob ng kanilang bahay habang nagaganap ang pag lindol.

Ngayong umaga lamang ay niyanig ng Magnitude 7.3 na lindol ang probinsya ng Abra kung saan naramdaman din sa ilang kalapit lugar nito.

Naramdaman din ang lindol sa Metro Manila kung saan naninirahan si Kim Chiu.

Sa kaniyang twitter ibinahagi nga niya ang video kung saan makikitang bini-videohan niya ang loob ng kanilang bahay.

"Eto lang na video ko sa pagka over over ng lindol!!!!!!!!😱😱😱 ang tagal and nakakatakot sa lakas ah!!!!! Akala ko nasa dagat ako na sobrang ma alon! I kennot!🙈🙈🙈 kamusta kayo? Naramdaman nyo din ba sa area nyo?," tweet niya.

Madirinig din ang kaniyang boses na sinasabing, "Hala ang lakas ng lindol, Oh My Gosshh I'm scared".

Naramdaman mo rin ba ang naturang lindol?