Kapuso singers belt out 'Gusto Ko Nang Bumitaw', GMA Music receives backlash

Kapuso singers belt out 'Gusto Ko Nang Bumitaw', GMA Music receives backlash

Kapuso singers belt out 'Gusto Ko Nang Bumitaw', GMA Music receives backlash
Hindi nakaligtas sa mga mapagpunang mga netizen ang umano'y madalas na paggamit ng kabilang istasyon sa isang programa nito ng mga kantang pinasikat at orihinal na inawit ng Kapamilya singers.

Nitong nakaraang Linggo ay naging usapin sa social media site na Twitter ang naging performance ng Kapuso singers sa isang segment ng programa nito kung saan todo birit ang mga ito sa pag-awit ng kantang "Gusto Ko Nang Bumitaw."

Ang nasabing kanta ay sinulat ni Jonathan Manalo ng ABS-CBN Star Music at unang kinanta ni Sheryn Regis bago pa ang bersyon ni Morissette Amon na mas nakilala dahil sa seryeng The Broken Marriage Vow.

"GMA Music, natagpuang bumitaw na talaga matapos ang segment na ito," caption ng 
isang netizen na may Twitter handle na @AngTitikMo sa kanyang video tweet. 


Marami naman ang nagretweet sa nasabing video at nagpahayag ng kanilang magkakaibang saloobin. 

"This proves na ABS-CBN remains at the top of the game because even its rival network nakiki-uso eh. GMA, wag na po mahiyang aminin na fan kayo ng ABS-CBN. Ilang weeks pa lang natapos ang TBMV may pa tribute na agad sa kabilang network. Well appreciated @AllOutSundays7," ani ni @just_3sa.

"Kulang na lang magplay mga clips ni Doc Jill at David sa LED para makadagdag sa feels," natatawang saad naman ni @juanderpet.


"Juiceko ako yun unang bumitaw! Nakakaloka parang pinupunit na lata! Mga acla hindi lang pagbirit ang batayan ng magaling sa singer," saad ni @KafosoMo

Maging ang ilang fans ng nasabing network ay di rin nakapagpigil na magbigay ng kanilang opinyon tungkol dito.

"ASK KO LANG, FAN BA NG KAPAMILYA ANG STAFF AND CREW NG @AllOutSundays7? LAGING NAKA LISTA ANG MGA KANTA NG KABILA KAHIT SA OPENING, DANCE OR KANTAHAN PROD! PESTENG YAWA NAMAN OH! KUNG AKO ISA SA DIVA NG QUEENDOM, ANG MASASABI KO LANG, KAPAMILYA NA BA AKO?," wika ni @KapusoTalks.

"Ang galing nila, pero mas maganda sana kung GMA music noh?" ayon naman kay @PiecesSign

"Thank you @StarMusicPh, wala eh bulok kasi ang @GMAMusic," wika naman ni @hello_asahi.