Andrea Brillantes nagpaliwanag sa pagbe-baby talk: "ganon lang talaga ako"

Andrea Brillantes nagpaliwanag sa pagbe-baby talk: "ganon lang talaga ako"

Andrea Brillantes nagpaliwanag sa pagbe-baby talk: "ganon lang talaga ako"
- Nakapanayam ni Karen Davila ang mainit ngayon sa social media na si Andrea Brillantes

- Dito ay naipaliwanag ni Andrea ang side niya sa mga viral videos niya

- Lalo na ang viral video niya kung saan nagbi baby talk siya

Nagsalita at nagpaliwanag na ang sikay na Kapamilya young star na si Andrea Brillantes sa mga isyung ibinabato sa kaniya.

Sa latest YouTube vlog ng kapamilya brodkaster na si Karen Davila ay nakapanayam niya ito at diretsong tinanong patungkol sa naging viral video niya kung saan nagbi baby talk siya.

"Yung pagbe-baby talk ko na laging nagte-trending. Voice ko talaga siya pero hindi siya ‘yung napipili ko subconsciously. Bigla lang siya nagsi-switch kasi nung bata ako, kulang din ako sa pansin. Kasi nga bunso ako, hindi ako lumaki sa parents ko. Baby-baby talaga ako dati-dati pa. Pero ‘yung pagka-baby voice ko sometimes good and bad," panimula niya.

Ipinaliwanag niya na bigla na lang umanong lumalabas ang pagbi baby talk niya ng hindi niya namamalayan.

“Kasi minsan lalabas siya, ibig sabihin ‘nun ‘pag komportable ako sa’yo. Or feeling ko, may nakikita akong father figure sa’yo or kuya figure, ate figure. Kasi lumaki din ako sa broken family. So, hindi ko talaga siya napipili. Minsan mari-realize ko nalang ‘pag inaasar na ako ng mga tao na ‘dun ako nagbe-baby talk ako.

"Kasi po makulit po talaga ako, aminado naman ako eh. Atsaka lumalabas ako, maraming akong kaibigan. Kaso lang, marunong ako mag-balance," dagdag pa niya.

Ikinalungkot din umano niya at ng mga kaibigan ang pamba bash na natatanggap niya dahil lamang sa isang trait niyang iyon lalo pa't hindi naman umano alam ng ilan ang kwento sa likod nito.

“Isa ‘yun sa frustrations ko at frustrations ng lahat ng kaibigan ko. As in,sila mismo ang magsasabi sa akin na, ‘Hindi mo ‘to deserve.’ ‘Yung baby talk ko, akala kasi nila nagpapa-cute ako pero ‘yung mga friends ko, alam nilang gano’n lang talaga ako as person. So sila ‘yung minsan naaawa pa sa akin."

“Pero kasi, wala po talaga akong magagawa eh, kahit anong pilit ko. Kaya kahit anong gawin ko, wala talaga sa kakayanan ko na mabago ‘yung paningin ng mga tao kung ‘yun ‘yong pipilitin nilang tingnan eh," paliwanag nito.