Alexa Ilacad, Enchong Dee headlines JP Habac's new movie

Alexa Ilacad, Enchong Dee headlines JP Habac's new movie

Alexa Ilacad, Enchong Dee headlines JP Habac's new movie
Sa unang pagkakataon ay nabigyan ng solo lead si Alexa Ilacad sa pelikula matapos ang matagumpay na takbo ng iWant TFC series nito kasama si KD Estrada na "Run To Me". 

Makakatambal ni Alexa ang kapwa Kapamilya talent na si Enchong Dee sa pelikula na handog ng movie outfit ng Kroma Entertainment Inc. na ANIMA.

Ang pelikula ay iikot sa isang app developer na gagampanan ni Alexa na tutulong sa isang venture capitalist na mabawi ang kanyang dating kasintahan para makakuha siya ng pondo. Dalawang karakter na sinusubukang makalimot, ngunit hindi nila maiiwasang harapin at tanggapin ang sakit at matuto mula sa nakaraan.

“I like how “RESET U/I” is not your typical rom-com drama. ‘Yung story and journey noong dalawang characters ang ganda and how their characters develop as well. Just when I was reading it and not even thinking it was me or it was Enchong, talagang kinikilig ako sa mga lines,” ani ni Alexa sa naganap na table reading at look test noong Hunyo 28.

"I feel like every actor has a responsibility to their audience.  Kailangan mong bigyan ng something new ‘yung audience mo and we’re in the service of making people touch their emotions. So eto na finally makakagawa na tayo ulit ng pelikula na mapapanood sa big screen,” ibinahagi naman ni Enchong.

Kabilang sa cast ay sina Iana Bernardez, Yesh Burce, Nikko Natividad, Lance Reblando at Nikki Valdez. Mula sa panulat ng dating Creative Producer ng ANIMA na si Benedict Mendoza, at direksyon ni JP Habac.

Dati ng naatasang magdirihe ng ANIMA ang talentadong direktor sa pinag-usapang BL series nito na 'Gaya Sa Pelikula' na ipinalabas noong kasagsagan ng pandemya. 

Kilala rin si JP Habac sa kanyang mga naging proyekto sa serye at pelikula gaya ng 'Bola-Bola', 'I'm Drunk I Love You' at 'Sakaling Maging Tayo'.