It's Showtime at Lunch Out Loud may malaking pagsasama sama na magaganap?

It's Showtime at Lunch Out Loud may malaking pagsasama sama na magaganap?

It's Showtime at Lunch Out Loud may malaking pagsasama sama na magaganap?
- Matunog ngayon ang malaking maaaring mangyari sa pagitan ng It's Showtime at Lunch Out loud

- Ito ay patungkol sa naging post ng TV5 reporter na su MJ Marfori

- Sa kaniyang post sinabi niyang 'Mas masaya kapag sama-sama'

Viral ang post ng showbiz reporter ng TV5 na si MJ Marfori dahil sa tila kaabang abang na pagpapatikim nito sa mga manonood.

Sa kaniyang social media accounts ay ibinahagi nito ang mga litrato ng Noontime shows ng TV5 at ABS-CBN na Lunch Out Loud at It's Showtime.

Magkasunod niyang ibinahagi ang litrato ng dalawang programa, una na ang It's Showtime ng ABS-CBN kung saan may caption siya na 'SOON'.

Samantalang sa sumunod na IG story niya ay ang programa namang Lunch Out Loud ng TV5 ay nilagyan niya ng caption na, 'MAS MASAYA KAPAG SAMA-SAMA'.

Wala mang direktang sinabi si MJ sa kung ano ang pinatutungkulan niya ay malaki na ang usap usapan at hirit ng solid kapamilya at kapatid viewers na maaaring sanib pwersa na ito marahil ng dalawa.

Hindi na rin naman na lingid sa kaalaman ng marami ang usapang mas malaking partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5 na magpa sa hanggang ngayon ay hindi pa nari reveal.

Excited ka ba sa mga susunod na mangyayari?