Magkasintahang Gerald at Julia, Bea at Dominic, sabay na nagbakasyon sa Thailand?

Magkasintahang Gerald at Julia, Bea at Dominic, sabay na nagbakasyon sa Thailand?

Magkasintahang Gerald at Julia, Bea at Dominic, sabay na nagbakasyon sa Thailand?
Nagkataong parehong nagtungo sa Thailand ang magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque, at Gerald Anderson at Julia Barretto nitong linggo.

Sa mga larawang ibinahagi nila sa kanilang Instagram story, makikitang nag-e-enjoy sa mga beach sa Thailand sina Gerald at Julia habang masaya rin sa pagsubok ng iba't-ibang pagkain sa bansa.

Magksama naman sa Bangkok sina Bea at Dominic habang nagpapahinga ang aktres sa trabaho.

Noong 2019 ay naging sentro ng kontrobersiya ang naging hiwalayan nina Gerald at Bea dahil sa umano'y pagiging third party ni Julia.

Bago pa man ang kontrobersiyal na hiwalayan, nagtambal sa pelikulang "Between Maybes" sina Gerald at Julia. Kalaunan noong Marso 2021 ay kinumpirma din nina Gerald at Julia ang kanilang relasyon.

Abril naman noong nakaraang taon ng kumpirmahin ni Bea ang estado nila ni DOminic.

Sa isang latest vlog interview, sinabi ni Bea na bukas siyang makipagtrabaho sa kanyang mga dating kasintahan maliban sa isa. 

“Depende kung sinong ex. Kay Zanjoe okay akong makipag-work. Depende sa ex. Isa lang naman 'yung ayaw kong ex,” wika ni Bea ngunit di pinangalanan kung sino ang tinutukoy nito.