Lolit Solis tinawag na walang kakuwenta-kuwentang starlet si Ella Cruz

Lolit Solis tinawag na walang kakuwenta-kuwentang starlet si Ella Cruz

Lolit Solis tinawag na walang kakuwenta-kuwentang starlet si Ella Cruz
- Walang prenong naglabas ng kaniyang saloobin ang showbiz columnist na si Lolit Solis kay Ella Cruz

- Kaugnay ito sa kaniyang nasabing 'History is like Tsismis'

- Tinawag niya itong starlet at bob*ta

Sa kaniyang Take it Take it program kasama ang kaibigang si Mr. Fu ay naging topic nila Lolit Solis ang mainit ngayon sa social media na si Ella Cruz.

Hiningian kasi ni Mr. Fu ng kaniyang opinyon si Lolit patungkol ngayon sa pinag-uusapang si Ella Cruz kaugnay sa naging pahayag niyang 'History is like Tsismis'.

Wala namang prenong nagsalita si Lolit at deretsahan niyang tinawag na walang kwentang starlet at bob*ta si Ella.

"Alam mo bilib ako sa utak niya. Imaginin mo, isa siyang walang kakuwenta-kuwentang starlet na ngayon ay pinag-uusapan na."

"Ang galing. Sinong makakaisip nun? Tinalbugan niya galaga lahat," sunod sunod na hirit ni Lolit.

"Nag react lahat. Kasi 'di mo akalain na may isa pa lang bob*ta, ganito pala kabob*ng tao," dagdag pa niya.

Matapos nito ay nagbahagi naman ng kaniyang payo si Mr. Fu kay Ella Cruz, "Basta Ella Cruz, alamin natin, ang history ay history, at ang tsismis ay tsismis magkaiba yun. Kasi history based on facts, ang tsismis.. ito nag tsi-tsismisan tayo, magkaiba yun. Hindi puwedeng magka-intertwine kaya ka nag-trending."