Idol PH audition ni Ryssi Avila Viral!, Pagkakadawit kay Skusta pinaliwanag na

Idol PH audition ni Ryssi Avila Viral!, Pagkakadawit kay Skusta pinaliwanag na

Idol PH audition ni Ryssi Avila Viral!, Pagkakadawit kay Skusta pinaliwanag na
- Viral at usap-usapan ngayon ang naging audition video ng sikat na si Ryssi Avila sa Idol PH season 2

- Sa kaniyang pag o audition ay ibinahagi nito ang inspirasyon niya sa pagsali sa naturang singing competition

- Ibinunyag niya na nadawit lamang siya noon sa relasyon nina Skusta at Zeinab

Viral at usap-usapan ngayon sa social media ang audition video ni Ryssi Avila sa hit singing competition na Idol PH Season 2.

Bukod kasi sa magandang pagka kanta niya at pagkakapasok sa naturang kompetisyon ay usap-usapan din ang naging pahayag niya ukol sa dahilan ng pagsali niya sa programa.

"This gonna be a brand new start since nangyari sa akin last 2020. Na nadamay po ako sa isang controversy with the famous social media couple [Skusta Clee at Zeinab Harake]," pahayag nito sa tanong ni Regine kung bakit siya sumali sa programa.

Nadawit kasi noong 2020 ang kaniyang pangalan sa noo'y magkasintahan pang sina Skusta Clee at Zeinab Harake dahilan umano upang mahiya siyang lumabas at magpakita sa maraming tao.

Ngunit sa pagsali niyang ito ay nagpapasalamat siya sa muling pagbabalik ng kaniyang career.

"Nahiya na po ako sobra na humarap sa mga tao kaya sobrang thankful po ako rito sa Idol Philippines na this is my chance na to be back. This is my chance na humarap po ulit sa mga tao para sa talent ko lang po para sa boses ko,” kwento nito.

Paliwanag pa niya na ang pagiging mahigpit ng kaniyang boyfriend noon ang dahilan kung bakit siya napunta kay Skusta Clee at gumawa ng collab song na siyang pinagsimulan ng isyu sa pagitan nila.

Panoorin ang kabuuan dito: