Ex-boyfriend ni Ryssi may patutsada sa statement niya, "Sana chinika mo yung totoo"

Ex-boyfriend ni Ryssi may patutsada sa statement niya, "Sana chinika mo yung totoo"

Ex-boyfriend ni Ryssi may patutsada sa statement niya, "Sana chinika mo yung totoo"
- Nag react ang dating boyfriend ni Idol PH singer Ryssi Avila sa naging pahayag nito

- Ibinhagi kasi ni Ryssi na dahil sa pagiging mahigpit nito kaya siya napalapit noon kay Skusta

- Tila galit ang ex bf niya na sinabing sana ay ikinuwento nito ang katotohanan

Viral at usap-usapan ngayon ang naging pahayag ng ex boyfriend ni Ryssi Avila na si Concon Felix laban sa kaniya.

Sa pagsali kasi ni Ryssi Avila sa Idol Philippines Season 2 ay ikinuwento nito na sumali siya sa patimpalak upang iangat muli ang sarili matapos na madawit lamang sa nakaraang isyu nina Skusta at Zeinab.

Idinagdag din ni Ryssi na dahil sa pagiging mahigpit ng kaniyang ex boyfriend, na si Concon Felix nga, kaya niya naisipang makipag collab kay Skusta noon na siyang pinag ugatan ng isyu na kinaharap niya.

Tila hindi naman kumbensido si Concon Felix sa mga naging kwento ng ex girlfriend na si Ryssi at sinabi nitong sana ay chinika nya ang katotohanan.

"Nadawit ka lang sa issue? Wait. Nakalimutan mo na ba lahat ng ginawa mo non?. Sana chinika mo sa kanila kung ano ang totoo.

"Anyways, Magaling ka talaga kumanta di mapagkakaila pero sana kumanta ka nalang. Wag ka na mandamay ng iba," hirit ni Concon.

credit to Isyus

Anong masasabi mo sa isyu na ito?