Annabelle Rama: "Huwag kang chismosang marites."

Annabelle Rama: "Huwag kang chismosang marites."

Annabelle Rama: "Huwag kang chismosang marites."
May patama ang ina ng aktres na si Ruffa Gutierrez sa isang post nito tungkol sa nangtsitsismis sa kanyang anak.

Matatandaang nitong nakalipas na araw ay naging maugong ang isyu ng umano'y dalawang kasambahay na hindi binigay ang sweldo matapos palayasin mula sa isang kilalang mamahaling village.

Naitanong naman ni P3PWD partylist representative na si Congresswoman Rowena Guanzon kay Ruffa sa twitter kung ito'y totoo.

Kinumpirma ito ng aktres kasabay ng kanyang pagpapaliwanag sa mga nangyari. "Hello Ms. Guanzon. No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In MalacaƱang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe," kwento ng aktres.

Hindi naman nagustuhan ng bagong halal na mambabatas ang pagtawag sa kanya ni Ruffa ng "Ms. Guanzon."

"That Ruffa Gutierrez must learn to say "Congresswoman". Hahaha ! You call me cong or I will call u something else. Sige ka Bardagulan," wika nito sa isa pang tweet.

Hindi naman nabigo ang mga netizens na nag-aabang sa magiging resbak ina ng aktres na kilala sa pagiging talakera at palaban nito lalo't pagdating sa isyu na may kinalaman sa kanilang pamilya.

"Hoy Day!!Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites?? Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!!  
Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAƑANG kaya ka nagpapapansin??," ani ni Annabelle sa isang Facebook post na tila patama na nga sa Congresswoman.

"Wait lang dayy!!," wika naman ni Guanzon, na tinaguriang Bardagulan Queen, sa pinakabagong Facebook post nito na tila tugon naman kay Annabelle.