Agot Isidro pinayuhan si Ella Cruz sa kinakaharap nitong isyu ngayon

Agot Isidro pinayuhan si Ella Cruz sa kinakaharap nitong isyu ngayon

Agot Isidro pinayuhan si Ella Cruz sa kinakaharap nitong isyu ngayon
- Sa kaniyang twitter account ay nagbahagi ng tweet ang aktres na si Agot Isidro

- Ang naturang tweet ay para kay Ella Cruz na ngayon ay nasa gitna ng kontrobersiya

- Pinayuhan niya ito ng kung ano ang dapat na isasagot sa susunod 

Sa kaniyang twitter account ay nagbahagi ang aktres na si Agot Isidro ng isang payo para sa aktres din na si Ella Cruz.

Nasa gitna kasi ng kontrobersiya ngayon si Ella Cruz matapos ang kontrobersiyal niyang pahayag ukol sa History.


"History is like chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we're here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone's opinion," 
ang viral statement ni Ella Cruz.

At sa kaniya ngang twitter account ay nagbahagi ng payo ang aktres na si Agot Isidro.

"Ella, I love you and you’re the sweetest. (serious ako. she really is.)," panimulang tweet ni Agot.

"Next time, puede tayong sumagot ng, 'No comment', Again, mahal kita," dagdag pa ni Agot.

Matatandaang nakasama na ni Agot Isidro si Ella Cruz sa kapamilya teleserye na 'Bagito' kaya naman hindi na nalalayo kay Agot ang batang aktres.