Pokwang naglabas ng saloobin sa statement ni Ella tungkol sa history, "Mali!, maling mali!"

Pokwang naglabas ng saloobin sa statement ni Ella tungkol sa history, "Mali!, maling mali!"

Pokwang naglabas ng saloobin sa statement ni Ella tungkol sa history, "Mali!, maling mali!"
- Hindi napigilang mag kumento ni Pokwang sa viral statement ni Ella Cruz

- Sa kaniyang twitter account ay pinagsabihan nito ang anak anakan niya

- May pabirong hirit pa ito tungkol sa kanilang naging dating serye

Tila hindi napigilang magkumento ni Pokwang sa viral na statement ni Ella Cruz patungkol sa History.

Naging usap-usapan nga ang statement niya na, "History is like chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we're here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone's opinion."

Sa kaniyang twitter account ay naglabas ng kaniyang kumento si Pokwang hingil dito.

"nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali…," tweet nito.

"mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana," dagdag pa niya.


Naging anak ni Pokwang si Ella Cruz sa dati hit fantaseryeng Aryana kung saan gumanap ito bilang sirena.