Zeinab Harake, natuwa sa it's Showtime hosts dahil sa pag-ispell nito ng pangalan niya: "love ko kayo..."

Zeinab Harake, natuwa sa it's Showtime hosts dahil sa pag-ispell nito ng pangalan niya: "love ko kayo..."

Zeinab Harake, natuwa sa it's Showtime hosts dahil sa pag-ispell nito ng pangalan niya: "love ko kayo..."
- Natuwa si Zeinab Harake sa mga 'It's Showtime' hosts nang ii-spell nito ang pangalan niya na sagot sa tanong ni Tyang Amy sa kanilang segment

- Nagpunta si Zeinab sa kanyang Instagram account upang sabihing mahal niya ang mga hosts at tinag pa ang mga ito sa kanyang post

- Sinama niya sa picture sina Karylle, Jhong Hilario, Vice Ganda, Ion Perez, Kim Chiu, at Jackie Gonzaga sa kanyang IG story

Masaya ang social media influencer na si Zeinab Harake sa 'It's Showtime' hosts nitong Tuesday, June 14, nang makitang nakasulat ang kanyang pangalan sa mga vests ng mga hosts na kasali sa segment.

Kasama sina Karylle, Jhong Hilario, Vice Ganda, Ion Perez, Kim Chiu, at Jackie Gonzaga sa mga naglaro at nagsagot sa tanong na pinamunuaan ni Tyang Amy Perez sa "Palarong Pang-madla: Vest in Spelling".

Naitanong ni Tyang Amy kina Vice, "Sinong social media influencer ang vlogger ang inspiration sa kantang "Zebbiana"?” 

Dali-dali namang binuo nila ang pangalang "Zeinab" gamit ang mga letrang nakalagay sa harap at likod ng kanilang suot-suot na vests.

Nasilayan naman ng influencer ang clip na ito kaya naman sa Instagram story niya pinaabot ang tuwa niya sa mga host. “Ang cutieeee love ko kayo,” munting mensahe niya.

Gamit ang picture na kuha sa nasabing segment, tinag rin niya ang mga ito.