Janella at Markus, hiwalay na rin? Markus, nagsalita na: "let’s just leave it like that..."

Janella at Markus, hiwalay na rin? Markus, nagsalita na: "let’s just leave it like that..."

Janella at Markus, hiwalay na rin? Markus, nagsalita na: "let’s just leave it like that..."
- May sagot na si Markus Paterson sa mga 'marites' na tsinitsimis sila ni Janella na hiwalay na

- Kahit sumagot na ito, hindi naman niya literal na inamin kung totoong nagkahiwalay na sila ng aktres o hindi pa

- Aniya, mayroon naman silang maayos na relasyon ni Janella ngunit si Janella rin ang gusto niyang pasagutin sa kanilang 'status'

Matagal-tagal na rin napag-uusapan ng mga tao ang tunay na relasyon ng Kapamilya artists na sina Janella Salvador at Markus Paterson sa kung naghiwalay na nga rin ba sila.

Katulad kasi ng mga tsismis, sinasabing hiwalay na sila dahil hindi na sila nagpo-post ng mga picture sa Instagram nang magkasama at puro solo o baby pictures nalang.

Ito naman ang sinagot ng aktor sa kanyang panayam sa CinemaNews, ang relasyon nila ngayon ni Janella.

“Our relationship status is definitely something that people are asking about. But as of now, I’m gonna let her do the talking on this status… but we’re both very good.

“We have very good relationship with each other. So let’s just leave it like that for now,” ani Markus ngunit hindi naman diretsahang sinagot ang tanong kung hiwalay na sila.

“Ang puso ko ngayon? Ang masasabi ko lang, masaya. Magaan in a lot of ways.

“I’ve come to terms to a lot of things this year so far. I just can’t wait to grow more and learn more about everything in life, my craft, relationship, fatherhood.

“I’m so young and I can’t wait to just become the best person of me,” tugon pa niya.