Ogie Diaz, tapat na pinangaralan si Skusta Clee: "'Pag ginawa mo 'yung bata, panindigan mo. Kung galit man siya kay Zeinab..."

Ogie Diaz, tapat na pinangaralan si Skusta Clee: "'Pag ginawa mo 'yung bata, panindigan mo. Kung galit man siya kay Zeinab..."

Ogie Diaz, tapat na pinangaralan si Skusta Clee: "'Pag ginawa mo 'yung bata, panindigan mo. Kung galit man siya kay Zeinab..."
- Pinangaralan ni Ogie Diaz ang kontrobersyal na singer-songwriter na si Skusta Clee dahil sa 'di umano'y pagiging pabaya niya sa kanyang anak

- Sinabi nitong dapat ay magkaroon siya ng responsibilidad sa kanyang anak at huwag nang idamay sa hidwaan nila ni Zeinab Harake

- Dagdag pa niya, hindi lang dapat ang mga lyrics ng kanta ang pinaninindigan, kundi ang pagiging ama rin

May reaksyon ang showbiz vlogger na si Ogie Diaz kay Daryl Ruiz, mas kilala bilang Skusta Clee, sa pagkakaroon niya ng responsibilidad sa anak niya kay Zeinab Harake.

Tila umabot na rin kay Ogie ang mga bali-balita patungkol dito kaya naman minabuti niyang pangaralan si Skusta sa kung paano magiging mas mabuting ama.

Sa latest episode ng 'Showbiz Update' vlog nila sa YouTube, nabanggit ni Mama Loi ang naging pagganap nina Zeinab at Skusta sa naganap na Aurora Music Festival.

Ayon sa kanya, nagkaroon ng 'di umano'y parinigan sa pagitan ng dalawa kaya naman nag-viral pa lalo ang kanilang isyu. Pagkatapos makinig ni Ogie, dito na siya naglabas ng tapat na saloobin para kay Skusta.

"Sana lang ano, pag ginawa mo yung bata o gumawa ka ng responsibilidad, panindigan mo. Itong kay Skusta, kung galit man siya kay Zeinab, kay Zeinab siya galit, dapat hindi dun sa bata. Dapat, walang kinalaman ang bata. Inosente ang bata para idamay," aniya.

"Gawin mo pa rin yung responsibilidad mo bilang ikaw ang ama ng bata. Mahirap yung paglaki nung bata, mababasa na lang niya sa social media, o sa mga YouTube, o sa history ng Google na, 'Ito pala yung tatay ko, pinabayaan ako, iniwan yung nanay ko. Iniwan kami ng nanay ko.' Diba? Gusto mo ba yun?" dagdag pa nito.

Hindi lang umano dapat kanta ang pinaninindigan, kundi ang responsibilidad din bilang ama, sabi ni Ogie.

"Hindi lang dapat kanta ang pinaninindiganan natin, hindi lang yung mga kanta o yung mga lyrics na ginagawa natin sa mga kantang ginagawa natin ang isinasapuso natin, pati sana yung responsibilidad natin bilang ama."