Pagkatapos ni Skusta, Juan Karlos binago rin ang lyrics ng kanta niyang 'Buwan': "Ako'y sa'yo..."

Pagkatapos ni Skusta, Juan Karlos binago rin ang lyrics ng kanta niyang 'Buwan': "Ako'y sa'yo..."

Pagkatapos ni Skusta, Juan Karlos binago rin ang lyrics ng kanta niyang 'Buwan': "Ako'y sa'yo..."
- Viral sa social media ang ginawang pagbabago ni Juan Karlos sa kanyang 2018 hit song na may titulong 'Buwan'

- Umulan naman ng reaksyon galing sa netizens ang bagong lyrics nito na nagpapakita kung gaano siya ka-'sincere' sa dati niyang girlfriend na si Maureen Wroblewitz 

- Ito naman ay kinanta ni Juan Karlos sa isang event ilang araw matapos ang breakup nila ni Maureen

Pagkatapos ang pagpapalit ni Skusta Clee ng lyrics ng kanyang kantang 'Zebbiana', si Juan Karlos Labajo naman ang sumunod na nag-iba ng kayang hit song na 'Buwan'.

Maririnig itong pinalitan ni JK habang nagpe-perform sa isang event na kalat ngayon sa social media na dali-dali namang nag-viral.

Kung ang orihinal na kanta ay may lyrics na "Ako'y sa'yo, ikaw ay akin, ganda mo sa paningin," ito naman ay pinalitan niya ng “Ako’y sa ‘yo, ika’y di akin. Ganda mo pa rin sa paningin,” na ikinalungkot ng mga fans.

Punong-puno naman ng emosyon ang pagkakakanta ni JK at dinagdagan niya pa ito ng, “Ako ngayo’y nag-iisa, umaasang ako’y tabihan na.”

Tila hindi pa rin naman maka-move on ang mga netizens sa dating relasyon ng dalawa kaya naman ibinuhos nila ang kanilang komento tulad ng, “Pinakamasakit talaga na break up is yung walang cheating na nangyari. Yung mutual yung decision nyo nalang maghiwalay kasi hindi na talaga pwede,” sabi ng isa.

Matatandaan na nitong June 10, ginulat ng dating magkasintahang Juan Karlos at Maureen Wroblewitz ang online world nang isapubliko nilang silang dalawa ay naghiwalay na.