Kylie Versoza, nagpahiwatig sa kanyang post, ikakasal na nga ba?

Kylie Versoza, nagpahiwatig sa kanyang post, ikakasal na nga ba?

Kylie Versoza, nagpahiwatig sa kanyang post, ikakasal na nga ba?
- Nakamamangha ang 'bridal look' ng aktres na si Kylie Versoza na ipinost niya sa kanyang Instagram account

- Ang gown na kanyang suot ay idinesenyo pa ng sikat at kilalang fashion designer na Julianne Syjuco para sa 'Marry Me at Marriot' 2022

- Sinabi rin niya na 'groom' nalang ang kulang sa kanya para ikasal ngayo'y single na siya pagkatapos nilang maghiwalay ni Jake Cuenca

Hindi maikakaila na nakamamangha ang beauty queen na si Kylie Versoza lalo na sa kanyang 'bridal look' nang suotin niya ang wedding gown na gawa pa mismo ng sikat na fashion designer, si Julianne Syjuco.

Kasama siya sa mga rumampa para sa 'Marry Me at Marriot' 2022, ang isa sa pinakamalaking bridal show ng bansa kung saan nagpapagandahan ang mahigit 50 gowns sa nasabing event.

Sunud-sunod naman ang pagpopost ni Kylie sa kanyang Instagram account upang ipakita sa kanyang mga followers ang kanyang bridal outfit.

Si Julianne Syjuco rin ang isa sa likod ng mga suot ng mga Kapamilya stars para sa 'Star Magic Ball 2019' tulad nina Heaven Peralejo, Maris Racal, at Mica Javier.

"What a dream. Closed the show for @julianne_syjuco for #marrymeatmarriot. Thank you for having me @julianne_syjuco!" caption ni Kylie sa kanyang post.

Groom na nga lang daw ang kulang sa kanya para maikasal, "Hot girl summer is getting married. groom nalang po kulang po opo."