Ricci, nagsasawa na nga ba sa relasyon niya? Cristy Fermin: "Nag-ugat ang kwentong ito sa..."

Ricci, nagsasawa na nga ba sa relasyon niya? Cristy Fermin: "Nag-ugat ang kwentong ito sa..."

Ricci, nagsasawa na nga ba sa relasyon niya? Cristy Fermin: "Nag-ugat ang kwentong ito sa..."
- Kabilang na naman sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin ang relasyon ng aktres na si Andrea Brillantes at boyfriend nitong si Ricci Rivero

- Nabanggit kasi ni Romel Chika kay Cristy na tila madali raw magsawa si Ricci sa kanyang relasyon

- Ani naman niya, siguro raw ay 'sawain' si Ricci ngunit sa tingin niya ay mas sawain naman si Andrea

Natalakay muli ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang relasyon ng sikat na celebrity ngayon, sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.

Kaliwa't-kanan kasi ang mga natatanggap na pamba-bash ng mga bitter na netizens kina Andrea gayundin ang kanyang boyfriend na basketball star. 

Kaya naman ito ang paksa nina Cristy Fermin sa pinaka-bagong episode ng Cristy Ferminute. "Hirit ng mga netizens nga, 'di ba Nay, madali raw pagsawaan ni Ricci Rivero si Andrea Brillantes,' panimula ni Romel Chika.

Tanong naman ni Cristy, "Bakit daw?"

"Paano naman Nay, Diyos ko tignan mo naman 'yung mga picture nila, Diyos ko maya't maya ang post nila na ang su-sweet, ang tatamis ng mga eksena nila, lagi silang magkasama. Kung nasaan 'yung girl, nandu'n 'yung lalaki. Kung nasaan 'yung lalaki, nandu'n 'yung girl," sagot naman ni Romel sa kanya.

“Na laging nakaangkla itong si girl kay boy,” punto naman ni Cristy.

"Kasi nga insekyora, baka daw makuha pa ng iba," saad ni Romel.

Dito naman sinabi ni Cristy na sawain umano si Ricci sa isang relationship. Ngunit sa tingin niya, mas sawain si Andrea.

“Nag-ugat ang kwentong ito sa grupo ni Ricci. Siyempre kilala nila si Ricci, 'di ba, kasamahan nila 'yan, alam nila kartada. Siguro talagang sawain, sawain siguro talaga.Pero parang mas sawain naman itong si Andeng," sabi nito.