Gerald naging fan ni Ivana; Na-shock nang sobra sa s*x scene: "Talaga direk? 'di ba pang-TV 'to?!"

Gerald naging fan ni Ivana; Na-shock nang sobra sa s*x scene: "Talaga direk? 'di ba pang-TV 'to?!"

Gerald naging fan ni Ivana; Na-shock nang sobra sa s*x scene: "Talaga direk? 'di ba pang-TV 'to?!"
- Inamin ni Gerald Anderson na na-shock siya nang sobra sa ginawa nilang s*x scene kasama si Ivana Alawi sa 'A Family Affair'

- Wala namang kaba siyang naramdaman ngunit nagulat siya sa sinabi ng direktor kung paano nila gagawin ang mainit na eksena

- Tinawag nga rin niya ang kanyang sarili bilang 'fan' ng aktres at looking forward na rin ito sa susunod pang proyekto ni Ivana

Hindi pa man umeere sa Philippine TV ang highly anticipated ABS-CBN series na 'A Family Affair', talagang gumagawa na ito ng ingay sa social media dahil sa mga maiiinit na eksena nitong lumabas sa official trailer.

Kabilang sa star-studded cast ng nasabing serye ang sexy vlogger na si Ivana Alawi kasama ang kanyang mga leading men na sina Gerald Anderson at Sam Milby, na sinamahan pa nina Jake Ejercito at Jameson Blake.

Usap-usapan na rin ang s*x scene nina Ivana at Gerald na ibinahagi ng aktor sa panayam sa kanya ng ABS-CBN kung saan inamin niyang 'shocked' siya nang sobra habang ginagawa ang eksena.

Tila hindi rin ito makapaniwala sa sinabi sa kanila ng direktor dahil baka mahirapan siyang maging komportable si Ivana sa kanilang gagawin. Aniya, “First of all, mas iniisip ko…

"Kasi pinuntahan pa ako ni Direk Jerome (Pobocan) sa tent bago kami kunan, in-explain niya sa akin kung ano ang gagawin at kung paano namin gagawin.

“Sabi ko, ‘Talaga, direk? Talaga? ‘Di ba, pang-TV ‘to?’ Sabi niya, ‘Hindi, pang-Netflix ‘to!’

“Siyempre first leading role ni Ivana. Sabi ko, ‘Paano natin gagawin ‘to na magiging comfortable siya sa scene?’

“Kinakausap ko ‘yung mga PA (production assistants), si direk. Minsan kapag feeling ko hindi na ganoon kakomportable o medyo parang may nakikita o medyo revealing, titingnan ko si direk. Kasi siya (Ivana) ‘yung priority,” pagbabahagi ni Gerald.

Certified fan na nga rin umano siya ni Ivana matapos ang kanilang pagsasama sa lock-in taping ng A Family Affair.

“From now on, I’m a fan, at magiging cheerleader ako. Sana, after this, isi-share pa rin niya ‘yung talents niya sa ating lahat.

“Exciting kung ano pa ang gagawin niya. Abangan niyo ang napaka amazing na Ivana dito,” saad pa nito.`