Ogie Diaz, ibinunyag na tila nabubuwisit na si Janella kay Markus; Hiwalay na umano pero...

Ogie Diaz, ibinunyag na tila nabubuwisit na si Janella kay Markus; Hiwalay na umano pero...

Ogie Diaz, ibinunyag na tila nabubuwisit na si Janella kay Markus; Hiwalay na umano pero...
- Ibinida ni Ogie Diaz na tila nabubuwisit na nga si Janella kay Markus Paterson sa bagong vlog nito ngayong hapon, June 18

- Aniya, nato-traumatize kasi si Janella sa mga lalaking may drinking problem na kung saan iyan ngayon ang problema ni Markus

- Chinika rin niya sa kanyang pagkakaalam na hiwalay na sina Janella at Markus ngunit magkasama pa rin sa loob ng bahay kasama ang kanilang anak

Pinag-usapan ngayon nina Ogie Diaz sa bagong episode ng 'Showbiz Update' YouTube channel ang mga chikang nakapalibot sa Kapamilya stars na sina Janella Salvador at Markus Paterson.

Kaugnay nito ang mga haka-hakang hiwalay na ang dalawa at hindi magkaayos sina Janella at Markus base sa mga sinasabi ng netizens na wala namang basehan.

“May drinking problem itong si Markus Paterson. ‘Yun ang tsika na nabubuwisit daw itong si Janella dahil nato-traumatize siya sa mga lalaking umiinom at hindi inilalagay sa tiyan ang iniinom kundi dito,” sabi ni Ogie sa kanyang vlog.

“kaya may mga galit, paghahagis ng gamit, may pananakit minsan may ganyan di ba? Siyempre na-traumatize si Janella, di ba? Dahil sa mga nakaraan niyang relasyon na kapag nakakainom, e, umiinit ang ulo," dagdag pa ni Ogie na dahilan upang mag-react si Mama Loi.

“May mga history na parang kapag nasisigawan siya doon siya nato-trauma," ani Mama Loi kay Ogie.

Tugon naman ni Ogie dito, “e, lalo na ngayong may batang involved, e, iba itong level ngayon kay Marcus kumpara sa mga nakaraan kasi ngayon may anak sila, so, hindi natin alam.

"Pero ang alam ko talaga kahit nakatira sila ngayon sa isang bahay ay jiwalay (hiwalay) sila. ‘Yun ang alam ko ha?” pahayag pa ng showbiz vlogger.

Tila totoo naman ang pahayag ni Ogie na ito dahil nakapanayam niya si Janella nitong February 2022 hinggil sa kanyang 'trauma'.

“’Yung part na trauma ako for some reason is being around drunk people, drunk men. Pag lalaki tapos lasing tapos wala sa sarili doon ako na-trauma, alam ni Markus ‘yun.

“Siyempre, he’s younger hindi niya maiwasang gusto niyang mag-enjoy minsan. Hindi rin naman niya kasalanan na may trauma ako, pero we’re trying to work on it, siguro," paglilinaw ni Janella.