Lolit, ibinuking kung sinong babae ang nali-link kay Sandro; Tinawag na 'crush ng bayan'

Lolit, ibinuking kung sinong babae ang nali-link kay Sandro; Tinawag na 'crush ng bayan'

Lolit, ibinuking kung sinong babae ang nali-link kay Sandro; Tinawag na 'crush ng bayan'
- Ni-reveal ng beteranong kolumnista na si Lolit Solis ang babaeng nali-link ngayon sa Congressman na si Sandro Marcos

- Ang sexy starlet daw na ito ay present sa Kapatid noontime show na 'Lunch Out Loud' kung saan nakuha nito ang atensyon ni Sandro

- Hindi na rin ito nag-alinlangan na tawagin ang congressman bilang 'crush ng bayan' at sinabi niya pang tiyak na maraming babae ang gustong ma-link dito

Isa na namang Instagram post ng kilalang manunulat ni Lolit Solis ang pinag-usapan ng marami dahil sa kanyang kolum patungkol kay Sandro Marcos, congressman ng 1st district ng Ilocos Norte.

Ibinuking kasi niya ang artistang 'di umano'y nali-link sa kongresista na usap-usapan ngayon sa social media lalo na sa mga Facebook groups or pages na sumusuporta kay Sandro Marcos.

Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pang sabihin na ang babaeng ito ay si Alexa Miro na nali-link sa binansagan niyang 'crush ng bayan'. Mapapanood raw ang sexy starlet sa noontime program ng TV5 na Lunch Out Loud.

"Talagang nagkaruon ng baptism of fire sa showbiz si Sandro Marcos, Salve. Usapan na nali link siya kay Alexa Miro, isang sexy starlet na kasali sa Lunch Out Loud. Bongga, crush ng bayan ang batang Marcos, heto at meron pala isang starlet na nakuha ang attention ng binata," sulat niya sa kanyang IG post.

Dagdag pa nito, pinaalalahanan niyang humanda na si Marcos sa mga balitang may mali-link pa sa kanya dahil marami 'di umanong tao ang gusto siya partikular na sa mga kababaihan.

"Single at puwede mag mingle lahit kanino si Cong Sandro at tiyak na marami pa ang mali link sa kanya dahil prize catch siya na isang certified bachelor.Maraming babae na gugustuhin ma link sa kanya, kaya humanda na siya sa mga balitang tulad nito," pahayag pa niya.