Gerald, aminadong ikinuwento na may 'soft spot' siya kay Ivana: "I will do my best for her..."

Gerald, aminadong ikinuwento na may 'soft spot' siya kay Ivana: "I will do my best for her..."

Gerald, aminadong ikinuwento na may 'soft spot' siya kay Ivana: "I will do my best for her..."
- Pinuri ni Gerald Anderson ang kanyang katrabahong si Ivana Alawi sa kanyang virtual mediacon kahapon para sa 'A Family Affair'

- Sinabi nitong magugulat ang mga manonood sa kanilang teleserye dahil hindi lang pang-YouTube vlog ang aktres na si Ivana

- Aminado naman nitong ikinuwento na mayroon siya 'soft spot' para kay Ivana sa pagpupursigi nito na mapaganda ang oportunidad na ibinigay sa kanya

Bibida ang YouTube star na si Ivana Alawi sa bagong Kapamilya sexy teleserye kasama ang kanyang leading men na sina Gerald Anderson at Sam Milby, kasama pa sina Jameson Blake at Jake Ejercito

Sa naganap na solo virtual mediacon ni Gerald para sa 'A Family Affair', napag-usapan nito ang kanyang co-star na si Ivana hinggil sa professionalism nito at galing sa pag-arte.

Kwento ni Gerald, ang karakter ni Ivana ang sentro ng kwento ng teleserye na konektado umano sa apat na magkakapatid na Estrella. Aniya, nagtutulungan sila upang maging maganda ang kalalabasan ng bawat eksena.

 “As her first lead role, ano ako sa ganyan, eh, na makita mo ’yung growth ng tao, makikita mo ’tong oportunidad na binigay sa kanya tapos ginagawa niya ’yung maganda. Mayroon akong soft spot sa ganyan eh,” ani Gerald.

Sinabi rin nitong gagawin niya ang lahat para kay Ivana upang 'kuminang' ito sa bagong proyekto nilang magkasama. Sigurado rin itong magugulat ang mga audiences dahil hindi Ivana na isang YouTube star ang makikita nila sa serye.

“I will do my best for her to shine in this and ang ganda. Magugulat ’yung mga audience, magugulat ’yung fans niya ang alam ko lang before is YouTube star siya.

“Nagulat ako sa performance niya na ibinibigay niya, sa passion niya, sa professionalism niya kung paano siya makipagtrabaho, maraming matutuwa at ’yung audience niya sa YouTube, magugulat ka sa Ivana na mapapanood niyo,” dagdag pa ng aktor.