Cristy, sinabing crush rin umano ni Daniel si Liza; May kutob sa 'plano' umano ni James bilang manager nito

Cristy, sinabing crush rin umano ni Daniel si Liza; May kutob sa 'plano' umano ni James bilang manager nito

Cristy, sinabing crush rin umano ni Daniel si Liza; May kutob sa 'plano' umano ni James bilang manager nito
- May chika muli si Cristy Fermin sa kutob niya kay James Reid bilang manager ng aktres na si Liza Soberano

- Naniniwala itong planado na ang lahat at unti-unti nang nade-develop ang relasyon ni James at Liza lalo pa't ibinalita niyang may 'crush' na 'di umano si James kay Liza noon

- Ibinahagi rin niya ang kanyang nabasa na bukod kay James, si Daniel Padilla rin daw ay may gusto sa aktres

Kinutuban ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa balitang magiging manager na ng Kapamilya star na si Liza Soberano ang dating boyfriend ni Nadine Lustre na si James Reid.

Tinalakay nila ang usapin sa programa nitong 'Showbiz Now Na' kung saan kasama niya bilang hosts sina Romel Chika at Morly Alinio sa latest episode nito.

Tila ipinapahiwatig ni Cristy na bukod sa pagiging manager ni James, may iba pang 'motibo' ang aktor kay Liza base sa mga pinapahatid niyang balita sa mga manonood.

"Ito naman ay sabi-sabi lang, at kahit noon ay nabasa ko. Crush ni James Reid at Daniel Padilla si Liza," sabi pa ni Cristy na binanggit ang pangalan ni Daniel sa isyung ito.

Dagdag pa niya, "Malakas ang kutob ko, planado 'to. Premeditated po ito para sa akin. Malakas ang kutob ko, planado 'to... Meron nang unti-unting nade-develop, papunta na sila doon," aniya pa.

Samantala, naisip naman ni Cristy Fermin na baka matibag na ang isa sa pinaka-malaking loveteam ng ABS-CBN, ang LizQuen, dahil kay James Reid.

“Nasa Spain si Enrique Gil, nasa America si Liza at saka si James Reid. Hindi kaya ang ending nito, wala na ang LizQuen,” ani ng kolumnista.

“'Di ba, matagal na namang crush ni James Reid si Liza ah,” banggit pa niya sa kanyang online show na Cristy Ferminute.