Kylie, naluha, nami-miss pa rin si Jake; Inamin ang tunay na dahilan kung bakit siya naiyak sa It's Showtime

Kylie, naluha, nami-miss pa rin si Jake; Inamin ang tunay na dahilan kung bakit siya naiyak sa It's Showtime

Kylie, naluha, nami-miss pa rin si Jake; Inamin ang tunay na dahilan kung bakit siya naiyak sa It's Showtime
- Nakapanayam ni Vice Ganda ang aktres na si Kylie Versoza para sa vlog nito sa kanyang YouTube channel 

- Umamin si Kylie na nami-miss niya pa ang dating kasintahang si Jake Cuenca ngunit hindi na nakasagot nang tanungin kung gaano 

- Ibinunyag na rin nito ang kanyang dahilan kung bakit siya naiyak sa kanyang guesting sa It's Showtime 

Sa recent vlog ng Unkabogable superstar na si Vice Ganda, nakapanayam nito ang isa sa pinaka-kilalang sexy actress sa panahon ngayon na si Kylie Versoza patungkol sa kanyang dating kasintahang si Jake Cuenca. 

Nagbigay ng detalye ang aktres sa kanyang viral na 'di mapigilang pag-iyak kamakailan sa guesting niya sa noontime show kung saan si Vice Ganda ang isa sa host, ang It's Showtime. 

"Parang nagulat kasi ako nung sinabi mo 'yung line na 'yun kung challenge lang ba 'yun o sign. Swak na swak kasi 'yun sa pinagdadaanan ko,” pagbabahagi nito. 

Tila bumuhos na nga lang daw ang kanyang emosyon dahil wala siyang makausap sa kanyang pinagdadaanan noong araw na iyon. 

"Sobrang fresh, sobrang bago, tapos hinayaan ko lang, in shock at ayaw kong magbitaw ng mga salita na pagsisisihan ko sa dulo. Kaya 'pag hindi ko pa na-fully process, hindi ko pa masasabi, hindi ko pa sasabihin," dagdag pa ni Kylie.

Samantala, inamin rin niya na nami-miss pa niya ang dating nobyong si Jake Cuenca base na rin sa kanyang sagot sa ilang tanong na inilabas ni Vice.

“Last month” ang naging tugon ni Kylie sa tanong kung kailan silang huling nagkita ni Jake. At dito na nga tinanong ni Vice si Kylie kung nami-miss pa niya ito.

“Oo naman,” sagot niya. Hindi na rin nakapagsalita si Kylie nang tanungin ulit siya ni Vice kung “gaano” at saka naging emosyonal.