STILL ALIVE AND WELL! Beteranang aktres na si Caridad Sanchez, nagjo-jogging pa rin sa edad na 88!

STILL ALIVE AND WELL! Beteranang aktres na si Caridad Sanchez, nagjo-jogging pa rin sa edad na 88!

STILL ALIVE AND WELL! Beteranang aktres na si Caridad Sanchez, nagjo-jogging pa rin sa edad na 88!

- Spotted sa isang video na nakakapagjogging pa ang beteranang aktres na si Caridad Sanchez.

- Sa kabila ng kanyang edad na 88, ay kaya pa nitong maglakad at magehersisyo upang manatiling malakas.

-bMay mga naglalabasang balita noon na "patay" na raw ang aktres pero itinanggi iyon ng kanyang mga anak.

Buhay na buhay pa ang beteranang aktres na si Caridad Sanchez sa edad na 88.

Sa isang video na ibinahagi ng entertainment writer na si Salve Asis, spotted doon na nakakapagjogging pa rin ang aktres sa kanilang subdivision na tila hindi napapagod sa kabila ng kanyang katandaan.


Ayon sa kanyang anak na si Alexander Joseph "AJ" Babao, na nag-aalaga sa aktres, bagamat nakakalimot na ang kanyang ina sa kanyang edad ay "physically strong" pa rin ito.

Ayon pa sa anak, kahit na low signal ang memorya nito, ay bawing-bawi naman ito sa pagiging kundisyon pa rin ng katawan. Ipinagmalaki pa nito na up and down pa ang pagjojoging nito sa kanilang subdivision sa White Plains.

Inaalalayan nga lang raw nila ang ina at iniingatan na mabalian. Biro pa ni AJ ay hinihingal din ang kasama n'ya na 26 years old.

Ang nasabing video, na inupload na ni Asis sa kanyang TikTok, ay dumating matapos ang ngayon ay deleted article kung saan may mga naglalabasang balita na "patay" na raw ang aktres.

Tinawagan ng pansin noon ng anak ni Miss Caridad na si Cathy Sanchez Babao ang nagsulat noon ng maling balita at sinabing "still alive and well" pa ang ina at wag naman nilang unahan ang kanyang pagpanaw.

Si Miss Caridad Sanchez ay magdirirwang ng kanyang ika-89 na taong kaarawan ngayong Agosto.

INFO: LatestChika on PhilStar