Cristy, ibinuking na nangungutang pa umano si Sarah para may mairegalo kay Rayver: "Nangutang siya sa..."

Cristy, ibinuking na nangungutang pa umano si Sarah para may mairegalo kay Rayver: "Nangutang siya sa..."

Cristy, ibinuking na nangungutang pa umano si Sarah para may mairegalo kay Rayver: "Nangutang siya sa..."
- May chika na naman si Cristy Fermin patungkol naman sa Popstar royalty na si Sarah Geronimo

- Aniya, wala kasing sariling pera noon si Sarah G dahil hawak-hawak ito ng kanyang Mommy Divine

- Kaya naman noong birthday ni Rayver Cruz ay nangutang pa 'di umano si Sarah sa anak-anakan ni Fermin 

May panibagong chika na naman ang sikat na sikat na kolumnistang si Cristy Fermin hinggil naman sa Kapamilya star at Popstar royalty na walang iba kundi si Sarah Geronimo.

Sa panibago ngang episode ng kanyang online program na 'Showbiz Now Na!' ay dito niya nakwento ang nalaman niya na nanghihiram pa ng pera si Sarah G para lang may mai-regalo kay Rayver Cruz.

Matatandaang naging maingay si Rayver noon dahil sa pagkakamabutihan nila ni Sarah na 'di natuloy dahil tutol dito ang ina ng Kapamilya star, na si Mommy Divine.

"Alam mo bang walang sariling pera nga si Sarah. Hawak talaga ni Mommy Divine. Nag-birthday si Rayver, bumili siya ng regalo. Nangutang siya sa isang artistang kaibigan ko, anak-anakan ko. Maibili lang ng regalo si Rayver, nangutang siya, isipin mo 'yun dumating sa point na ganon," lahad ni Cristy.

Samantala, nakatakdang magkaroon ng kani-kanilang mga proyekto sa pelikula ang mga A-listers na sina Vice Ganda, Sarah Geronimo at Anne Curtis ngayong 2022, matapos ang mahigit dalawang taon na pananatiling walang gaanong bigating proyekto dahil sa pandemic na ito.

Kinumpirma ng presidente at COO ng Viva Films na si Vincent del Rosario na nagkaroon ng preliminary meetings at talks ang kanyang ama na si Vic del Rosario sa mga artista para pag-usapan ang kanilang mga proyekto sa film company.