Coco Martin nagbahagi ng mensahe para kay Susan Roces sa pagpanaw nito

Coco Martin nagbahagi ng mensahe para kay Susan Roces sa pagpanaw nito

Coco Martin nagbahagi ng mensahe para kay Susan Roces sa pagpanaw nito
- Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng mensahe niya si Coco Martin para kay Susan Roces

- Ibinahagi nito ang malaking pasasalamat niya pata sa tinuturing na niyang Lola

- Ibinahagi nito ang malaking pagmamahal niya para kay Susan

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Coco Martin ang pagdadalamhati, pasasalamat at pagmamahal niya para kay Susan Roces.

Kagabi (May 20) ay ginulat ang lahat ng balita ng pagpanaw ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, ito ang balitang ibinahagi ng mga malalapit niyang kapamilya sa social media.

Kaya naman sa pamamagitan ng pag post ay ibinahag ni Coco ang kaniyang paghanga, pasasalamat at pagmamahal sa tinuturing na niyang Lola.

"Mahal na mahal kita Lola. Maraming salamat po sa lahat ng biyaya, pag gabay at pag aruga. Nabuo ako, dahil sa pagmamahal mo. Hindi kita makakalimutan. Nasa puso at nasa isip kita habangbuhay. Mahal po kita!," buong mensahe ni Coco.

Hindi naman na nga lingid sa kaalaman ng lahat na kasama ni Coco si Susan sa kaniyang hit teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano kung saan gumaganap ito bilang lola niya na si Lola Flora.