Mariel, ikinumpara si VP Leni sa sarili niya; Aniya sa mamahaling sapatos: "kung si VP Leni nag plantcha..."

Mariel, ikinumpara si VP Leni sa sarili niya; Aniya sa mamahaling sapatos: "kung si VP Leni nag plantcha..."

Mariel, ikinumpara si VP Leni sa sarili niya; Aniya sa mamahaling sapatos: "kung si VP Leni nag plantcha..."
- Nagbahagi ang celebrity mommy na si Mariel Padilla ng isang post kung saan ibinandera niya ang kanyang "ulirang ina" moment

- Nabasa kasi ang mamahaling sapatos nito sa isang ride na gustong sakyan ng anak niyang si Isabella

- Nabanggit naman niya si VP Leni dahil kung ito raw ay nagplantsa, siya naman ay 'naglaba' ng kanyang sapatos para sa kasiyahan ng anak

Tila 'naloka' ang aktres na si Mariel Padilla sa nangyari sa kanyang mamahaling sapatos pagkatapos niyang sumabak sa isang ride sa isang theme park para sa kanyang anak.

Ayon kasi sa kanya, gustong-gusto ng kanyang anak na sumakay na sa ride kaya naman kahit hindi pa ito handa, isinakripisyo nito ang kanyang Chanel sneakers para sa ikatutuwa ni Isabella.

Nabanggit rin nga nito si Vice President Leni Robredo na matatandaang nag-viral sa 'mommy moment' nito na nagpa-plantsa ng toga ng kanyang anak para sa graduation, bagay na ikinumpara ni Mariel sa kanyang sarili.

Sa nasabing Instagram post ni Mariel, makikita siyang nakasakay sa ride kasama si Isabella. Kabilang rin sa post ang Chanel niyang sapatos na may caption na, 

“My ulirang ina moment!!! This trip is for my kids so everyday we go from one theme park to another. I was not prepared for a water ride. Isabella badly wanted to ride this one… daig ko pa ang Aegis na basang basa sa ulan!!!!” aniya.

Dagdag pa nito, “As in talagang shower na matindi…shampoo na lang ang kulang!!! Of course I had extra clothes for Isabella from pnty to socks complete because OA mom ako hahahha but for me… nothing.

“Kung si VP Leni nag plantcha para sa daughter niya… ako linaban ko sa basa ang chanel sneakers ko! Its a tie! hindi ko na siguro ma live selling ito kasi na haggard ng mabuti. Mabuhay lahat ng ulirang ina!!!" pagbabanggit ni Mariel kay VP Leni sa kanyang kwento.

"P.S. I asked permission no no i begged the ride facilitator if i can leave my shoes… magkasakit na ako sa basa wag lang ang sapatos ko pero hindi pumayag," pahayag pa ng aktres.