Pokwang, hiniling na sana'y magbayad na ang mga BBM supporters na may utang sa kanya

Pokwang, hiniling na sana'y magbayad na ang mga BBM supporters na may utang sa kanya

Pokwang, hiniling na sana'y magbayad na ang mga BBM supporters na may utang sa kanya
- Ibinahagi ni Pokwang na tanggap na niya ang resulta ng Halalan 2022 kung saan nangunguna ang dating senador na si Marcos Jr. sa pagka-presidente

- Hiniling rin nito na sana'y magbayad na ng mga utang ang mga BBM supporters na mayroong utang sa kanya

- May paalala naman si Pokwang na huwag nang magmalinis dahil pare-pareho namang nagsalita ng hindi magaganda sa kanya-kanyang kandidato

Nagtungo ang komedyanteng si Pokwang sa kanyang Twitter account upang hilingin na sana'y magbayad na ang mga BBM supporters na magbayad sa kanya ng mga utang.

Nauna rito, inamin nitong tanggap na niya ang resulta ng nangyaring eleksyon kung saan pangalawa sa tally ng COMELEC si Vice President Leni Robredo sa pagka-presidente.

“Ok tapos na eleksyon tanggap tanggap narin ganon talaga… pero sana yung mga bmm na kamag anak at friends na nangutang sakin bayad bayad narin ha ok?” aniya sa kanyang tweet. 

Dagdag pa niya, tapos na ang ating ipinaglalaban kung kaya't huwag na magmalinis ang mga taga-suporta ng ating ipinagmamalaking kandidato dahil kanya-kanya umano tayong nagsalita ng hindi maganda sa kabilang kampo. 

“tapos na mga pinaglalaban natin pare parehong nagsalita ng di maganda sa mga kandidato natin kaya wag magmalinis ha,” pahayag ni Pokwang.