Daniel at Kathryn, napag-usapan na ang pagpapakasal; Ready na gumawa ng pamilya?

Daniel at Kathryn, napag-usapan na ang pagpapakasal; Ready na gumawa ng pamilya?

Daniel at Kathryn, napag-usapan na ang pagpapakasal; Ready na gumawa ng pamilya?
- Kilig ang naramdaman ng fans ng KathNiel nang mapag-usapan ng dalawa ang pagpapakasal at pagkakaroon ng pamilya

- Sa panayam sa kanila ng tatlong tanyag na direktor, dito inamin ni Daniel na ready na siya upang pakasalan si Kathryn

- Natanong din sila dito kung paano nila nakikita ang kanilang sarili pagkatapos ng sampung taon

Wala nang mas hihigit pa sa kilig na naramdaman ng mga taga-suporta ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa recent interview nito para sa kanilang seryeng '2 Good 2 Be True' na malapit nang mapanood online at sa TV.

Bago ang Netflix premiere ng kanilang comeback series, nakapanayam muna sila ng mga sikat na direktor na sina Cathy Garcia-Molina, Mae Cruz-Alviar at si Olivia Lamasan sa nakaraang one-off special ng newest Kapamilya teleserye offering ng KathNiel.

Sa nasabing panayam ay natanong ang dalawa kung paano nila nakikita ang kanilang sarili pagkalipas ng mahigit sampung taon. 

Sagot ni Kath, “Ang dami pang mangyayari. Imagine 36 na ako by then."

Kasunod nito, sinunod naman ni direk Cathy ang paksa sa kanilang pagpapakasal. Sumang-ayon naman sina Daniel at Kathryn na 'mayroon' na pagkatapos ng 10 years.

Biro ni Daniel, “Iyon din. Iyon na ‘yung ultimatum ko — pag di pa ako kinasal, Kathryn pag ayaw mo pa, ayoko na!

“Iyon na ‘yung next chapter ng buhay namin. Kailangan na… Ten years na rin kami. Iba ‘yung kasal.

“After that, you build a house together, build a family together.” pagseseryoso naman ng aktor.

“Iyon na ‘yung magsi-seal sa inyo,” tugon naman ni Kathryn.

Gusto na nga rin daw mag-settle down ni Daniel sa kanyang edad ngayon. Tila wala na kasing kulang at looking forward na siya sa kanyang ibinahagi.

“Ako kasi looking forward na rin ako doon. Kasi, ano pa bang ano [kulang] sa buhay ko? 27 na ako. What’s next sa aming dalawa?" aniya.

Masyado pang bata ang edad na 27 ang naging sagot naman ni direk Cathy. Para naman kay Daniel, “Masyadong mabilis lalo na ang panahon. Ang bilis talaga."

“Atsaka dati pa naman, 16 at 17 years old pa lang kami, pinag-uusapan na namin yan. Now, we’re here. What’s the plan after three or two years?” dagdag pa niya.

Inamin naman ni Kathryn na balak-balak na umano nilang mag-settle noon ngunit hindi natutuloy, “Nag-mo-move. Dapat 26. Ang bilis pala."

“Dapat 28, pero hindi pa pala ‘yun, Trenta, usapan natin. Hindi na ma-mo-move ‘yun.” hirit naman ni Daniel kay Kath. 

“Dapat pag-ready tayo pareho. You can’t say that to me, kasi ‘pag marriage, dapat pareho tayong ready. Alam mong hindi pa tayo ready ngayon. Kailangan pa natin aralin ang buhay, kung paano.” kontra ni Kath sa ideya ng kanyang boyfriend.

Baka ikaw ang hindi pa ready. Ready na ako.” ani Daniel.