Netizens, ginawan ng bagong meme si Anne; Vice, nag-react: "Inaano ka ba nung contestant???"

Netizens, ginawan ng bagong meme si Anne; Vice, nag-react: "Inaano ka ba nung contestant???"

Netizens, ginawan ng bagong meme si Anne; Vice, nag-react: "Inaano ka ba nung contestant???"
- Viral ang comeback ng Kapamilya star na si Anne Curtis nitong May 28 pagkatapos ng mahigit dalawang taong pagpapahinga

- Trending din ang pagbabalik niyang ito sa Twitter at umani pa ng ilang libong reaksiyon online

- Ilang netizens pa nga ang gumawa ng meme sa pagbabalik ni Anne na tila ba siya si 'Zoe Tuazon' - isang karakter na ginampanan niya noon

Masaya ang lahat sa pagbabalik ng Kapamilya star na si Anne Curtis sa It's Showtime pagkatapos ng ilang taon niyang pamamahinga dulot ng panganganak niya sa kanyang baby Dahlia.

Kaya naman nag-trending sa online world ang 'historical episode' na ito ng noontime show lalo na't ngayon lang ulit nakita ng madlang people na kasama muli si Anne sa hilera ng 'Showtime' hosts.

Nagkulitan naman sina Anne sa Twitter nang mag-quote retweet si Vice ng isang bagong meme ni Anne na tila naging siya ang kanyang dating malditang karakter mula sa 'The Gifted' na si Zoe Tuazon.

Ani vice, "Inaano ka ba nung contestant???" sabay mention sa kanyang sisterette na si Anne.

Napatawa nalang si Anne sa tweet at witty rin ang ilang replies sa meme na ito ng host. Komento ng ilang netizens:

- "Parang ako listening to revised HISTORY of BBM fanatics"

- "Nagbabalik na sa Pinas si Zoe Tuazon"

- "pinanganak kang bobo, lalaki kang bobo, at mamatay kang bobo"