KathNiel, hindi inakalang mga superstars nang bumisita sa Thailand: "Hindi raw makapaniwala..."

KathNiel, hindi inakalang mga superstars nang bumisita sa Thailand: "Hindi raw makapaniwala..."

KathNiel, hindi inakalang mga superstars nang bumisita sa Thailand: "Hindi raw makapaniwala..."
- Humingi ng pasensiya ang aktres na si Alora Sasam sa KathNiel dahil baka raw umano naistorbo nito ay bakasyon ng dalawa sa Thailand

- Ibinahagi rin nito na sinabi ng kanyang kakilalang si 'Beer' na hindi raw ito makapaniwalang sikat na loveteam ang KathNiel sa Pinas

- Aniya, parang normal na tao lang daw kasi sina Kathryn at very down to earth bilang mga artista

Nakapag-bonding muli ang Kapamilya loveteam na KathNiel, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nang bumisita ito sa bandang Chiang Mai sa Thailand upang i-celebrate ang kanilang 10th anniversary.

Tila third wheel naman ang bansag ng kanilang celebrity friend na si Alora Sasam sa kanyang sarili dahil baka raw naistorbo niya ang sweet moments ng KathNiel habang magkasama sa Thailand.

Sa Instagram post ni Alora, nagbahagi ito ng video ng KathNiel habang kumakain sa tabing-ilog na para bang mga normal na tao lang.

'Di rin nga raw makapaniwala ang kanyang kakilalang si Beer na mga superstars pala ang makakasama niya dahil napaka-down to earth ng dalawa.

"Hindi raw makapaniwala si Beer na superstars kayo sa Pinas. Napaka-normal niyo daw. Sabi ko yes, very down to earth. Hindi siya makapaniwala na ang mga pasahero niya ay napakasikat na loveteam sa Pinas pero nakikipagbiruan sa kanya. 

"Gulat siya na bigla kayong bibili ng pagkain o buko juice sa gilid ng kalsada. Bumilib siya dahil isinabay siya kumain sa hapagkainan at may pa take-out pa damay ang jowa niya. Na amaze siya gaano niyo pinahahalagahan ang elephants. Dagdag ko nga dapat mabilis lang ang kilos pagkuha ng pics kasi ayaw ni DJ na mahirapan ang elephants. 

"Ang sarap pakinggan ng mga kwento at paglalahad niyo ng pagmamahal sa kalikasan. Mga huwarang anak talaga kayo ni Min at Karla. For sure nagulat nanaman yun si Beer dahil paghatid niya sa atin sa airport, walang pagdadalawang-isip na niyakap niyo siya. Proud akong tayo ang first Filipino clients niya at maganda ang unang opinyon niya sa atin mga Pinoy." mensahe ni Alora sa dalawang Kapamilya star.

"Pero mas proud ako na may mabuting pagkatao ang napili kong mga kaibigan. Uulitin ko, mahal ko kayong dalawa. Happy 10th," pagbati ng aktres sa KathNiel na bumibida gabi-gabi sa '2 Good 2 Be True'.