Maris Racal, nanghingi ng list ng mgaplataporma ni VPL: “Kinakabahan ako...”

Maris Racal, nanghingi ng list ng mgaplataporma ni VPL: “Kinakabahan ako...”

Maris Racal, nanghingi ng list ng mgaplataporma ni VPL: “Kinakabahan ako...”
- Natuwa si Direk Tonet Jadaone sa tanong sa kanya ni Maris Racal sa isang screenshot na kanyang ipinost sa Twitter

- Napaka-'studious' umano ni Maris sa panghihingi nito ng listahan ng mga plataporma at nagawa ng ating bise presidente

- Kamakailan lang ay sumama ang Kapamilya actress sa house-to-house campaign para sa Leni-Kiko tandem kasama pa ang ibang Kakampinks

Natuwa ang certified Kakampink director na si direk Tonet Jadaone sa Kapamilya star na si Maris Racal sa kanyang ibinahaging screenshot ng message sa kanya ni Maris, April 30.

Nakilala ang Kapamilya filmmaker sa mga sikat na proyekto kanyang idinirek tulad ng "That Thing Called Tadhana”, “Alone/Together”, at iba pa bilang isang resident director ng ABS-CBN Entertainment at ng Star Cinema.

Ngayong Linggo, April 30, ay napa-tweet ito kung gaano ka-'studious' umano si Maris dahil napatanong pa ito noong gabi ng April 29 ng mga plataporma ng bise presidente ng Pilipinas, Leni Robredo, kung sakaling matanong siya ng mga residente sa house-to-house campaign. 

Quote retweet ni direk Tonet sa mismong tweet ni Maris, “Skl yung nagtanong pa siya kagabi ng plataporma oha very studious ka talaga!!!! Salamat Maris!!!” kasama ang naka-attach na screenshot ng 'chat' ng aktres. 

Inamin rin ng aktres na kinakabahan siya sa mangyayaring kampanya. Paunang salita nito kay direk Tonet, “direkkk!” 

“Kinakabahan ako para bukas haha

“May list ka ba direk ng mga plataporma ni leni? Hingi ako just in case matanong lang ako :)” ang message nito. 

Nabansagan naman siya ng kanyang follower bilang “All Purpose Queen” sa reply sa tweet ng direktor kalakip pa rin ang video ng pakikipag-usap ni Maris sa mga tao sa nasabing Leni-Kiko H2H campaign. 

“She's encouraging conversations. Salamat, Maris!!! Isa ka talagang All Purpose Queen, mhie! Haha labyuu @MissMarisRacal” ani ni Twitter user @reinna173x