Ogie Diaz may isiniwalat sa tahimik na ginagawa ni Chad Kinis: "Lagi siyang ano..."

Ogie Diaz may isiniwalat sa tahimik na ginagawa ni Chad Kinis: "Lagi siyang ano..."

Ogie Diaz may isiniwalat sa tahimik na ginagawa ni Chad Kinis: "Lagi siyang ano..."
- Natuwa si Ogie Diaz sa tahimik na pagbibigay ni Chad Kinis sa ilang mga foundation na ibinahagi niya sa kanyang YouTube vlog

- Sariling sweldo umano ni Chad ang ginagamit niya sa pagtulong kabilang na sa mga breast cancer patients

- Bilib nga rin ito kay Chad dahil sa tahimik nitong pagbibigay blessing sa kapwa na 'di tulad ng ibang picture ang inuuna

Tuwang-tuwa ang showbiz manager na si Ogie Diaz sa komedyanteng si Chad Kinis sa mga tahimik nitong ginagawang pagtulong sa mga foundations sa kanilang lugar.

Matatandaang sumabak si Chad sa Kapamilya noontime show na 'It's Showtime' na dahilan upang umusbong ang kanyang showbiz career. Pagkatapos ng 'Ms. Q&A' skit nito, lumabas naman siya sa ilang mga pelikula tulad ng 'The Mall, The Merrier', 'Tililing', at 'Ang Babaeng Walang Pakiramdam'. 

Kaya naman sa kanyang recent episode ng YouTube vlog niya sa "Ogie Diaz Showbiz Update", isiniwalat ng host ang lihim na pagtulong ni Chad sa mga foundations gamit ang kanyang sariling sweldo.

Isa sa sa mga foundations na nabanggit ay ang 'Dugong Alay, Dugtong Buhay' na matatagpuan sa Pasig City at ang 'Kasuso Foundation' para sa mga breast cancer patients.

"Si Chad ang isa sa mga consistent na tumutulong sa Dugong Alay, Dugtong buhay 'yung parang small red cross at 'yung Kasuso foundation para sa mga breast cancer patients. Lagi siyang ano, nagdo-donate ng kanyang sweldo doon kaya tuwang-tuwa ako kay Chad kasi consistent talaga siyang makatulong." ani Ogie.

Wala rin daw kasing alam ang mga tao kung gaano kabuti si Chad maliban sa pagbibigay saya sa kanyang mga audiences on and off cam.